Chapter Fifty-One
"JET!"
Bagama't naka-schedule na ang muling pagdalaw ni Meredith sa kapatid ay napaaga iyon kaysa araw na itinakda niya nang mabalitaan ang pagkasaksak dito sa loob ng kulungan.
"Are you okay?" worried niyang tanong dito.
"Ayos lang ako At--ah, Attorney," tila nag-aalangan itong sumulyap sa naroroong doctor.
Inirapan niya ito. Hula niya ay nag-aalala itong mapulaan siya na may kapatid na katulad nito, isang preso.
"How is my brother, Doc?" aniya sa manggagamot.
Tila nagulat naman ang doktor nang banggitin niyang kapatid ang pasyente nito. Gayunma'y kaswal iyong nagpaliwanag.
"Good thing your brother was alert. Kung nagkataong wala siyang malay sa nangyari, delikadong maglagos iyon sa puso niya. But so far, he's in good shape, Attorney. Nothing to worry about."
Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Grabe ang kaba niya kanina habang nasa biyahe. Kung anu-anong senaryo ang naglaro sa utak niya na baka delikado ang lagay nito.
Nang magpasintabi ang doktor upang mabigyan sila ng privacy ay hinarap niya ang kapatid. Parang kamakailan lang nang huli niya itong makita na tadtad ng bugbog ang mukha at katawan. Ngayon ay heto at namiligro naman sa saksak.
"I am going to get you out of here, pronto," aniya.
"Payag na ako, Ate. Kaya lang may gusto sana muna akong ipagawa sa'yo, kung puwede."
"Ano 'yon?"
"Gusto kong alamin mo kung ano ang lagay ni Mang Tasyo at kung nasaan na siya ngayon?"
"Is he your friend?"
Kunot-noong tanong niya sa kapatid.
Tumango ito.
"What's his full name?"
"Ahm, kilala lang siya ng lahat bilang Mang Tasyo. O Pilosopo Tasyo. Nasaksak siya kahapon ng umaga at malala ang tama niya. Nang tanungin ko si Dok ay dinala na raw sa pagamutan sa labas. Hanggang ngayon ay wala pa siyang update kung kumusta na ang lagay ni Mang Tasyo."
Saka lamang ganap na rumehistro sa isip ni Meredith ang pangalang tinukoy nito.
"Bakit?" tanong ni Jethro.
"Ang Mang Tasyo bang tinutukoy mo ay si Protacio Apostol?"
"Kilala mo siya?"
"He was known also known as Amang."
"Usap-usapan dito sa loob ay lider siya ng labindalawang malalakas na organisasyon noon."
"That's him. Siya ang dahilan kaya ka ipinadala rito ni Vengeance."
Tumango si Jethro. Napabuntong-hininga si Meredith saka napahagod sa mahabang buhok.
"When was the last time you talked to Mang Tasyo?"
"Kahapon. Ako ang naghatid sa kanya rito nang masaksak siya."
"Did he leave any message?"
"Message? Hindi ako sigurado kung message ba iyong sinabi niya. Pero may ibinulong siya sa akin."
"Ano?"
Ibinulong nito sa kanya ang sagot. "Ephesians 5:15-16."
"Bible," konklusyon niya.
"Iyon din ang naisip ko noong una."
"Nakita mo ba siyang humawak ng Bible?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Jethro.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
