Chapter Sixty-Three
"TAMA ba ang nakikita ko?" tanong ni Thorn na hindi maalis ang tingin sa plato ni Vengeance. Halos mag-umapaw iyon sa bagong lutong French fries.
Nasa bahay sila ni Callous. As usual, kahit may girlfriend na ito ay nakakapag-crash in pa rin sila sa bahay ng kaibigan. Hindi naman kasi killjoy si Andalusia o Andy--ang fiancée ni Callous. In fact, natutuwa pa silang kausap ito dahil ang lakas ng sense of humor.
"Pakikurot nga ako, Andy, baka nananaginip lang ako," ani Thorn sa buntis na kasintahan ni Callous.
Ang akmang pagkurot ni Andy sa braso ni Thorn ay hindi natuloy nang hapitin ito sa bewang ni Callous sabay karate chop sa batok niya!
"The fuck, Cal! What did you do that for?"
"At least now you know that you are wide awake and not dreaming."
"Puwede namang pitik na lang, eh," asar-talong bubulong-bulong na tinalikuran ni Thorn ang magkasintahan. Nagtungo siya sa mesa kung saan maraming nakahandang pagkain. Kung hindi lang ito masarap magluto ay babawian niya ito ng isang flying kick.
Pero nakabawi naman siya nang marinig itong pinagagalitan ni Andy. Napakamapanakit kasi. Pero kapag kaharap na ang nobya akala mo ay kung sinong maamong kordero.
"Uy, himala yata. Kumakain ka na ng patatas?"
Nabosesan ni Thorn ang bagong dating na si Venom. Marahil ay nadatnan din nito si V na kumakaing mag-isa sa sala ng malaking bahay ni Callous.
"French fries 'yan, hindi patatas," pilosopong sagot ni Vengeance.
"The fudge. Saan ba gawa ang French fries, di ba sa patatas? Utak, V."
"Wala ka no'n kaya huwag mo ng hanapin."
"What the actual fuck...?" Venom was stunned. "Did you just insult me?"
"Huwag mo akong kausapin, nawawalan ako ng gana," supladong sagot ni Vengeance. Dumampot ito ng ilang pirasong fries atsaka isinawsaw sa toyong may sili at kalamansi.
Lalo ng napamaang si Venom. 'Yong ibang nakikita niya ay isinasawsaw sa gravy ang French fries, o di kaya ay sa mayo and ketchup. Pero itong si Vengeance ay sa toyo and chilimansi.
"Close your mouth, man," ani Menace sa kaibigan. May dala itong malamig na inumin atsaka inilapag sa tabi ni Vengeance. "According to Andy, he's acting pretty normal."
"Normal ba 'yan? Mukhang na-realign ang ilang wire sa utak. Di ba allergic 'yan sa patatas? Tapos ngayon kung makalantak ng French fries ay parang aagawan."
"It's his craving. Wala siyang magagawa dahil 'yon ang gustong kainin ng baby niya."
"Baby? Wait, buntis si Vengeance?"
"Isa ka talagang malaking tungaw," napahilamos sa mukha si Menace. "Lalaki si V, paano siyang magbubuntis? Wala naman 'yang matris."
"Eh, kasasabi mo lang, di ba? 'Yon ang gustong kainin ng baby niya."
"I mean, baby nila ni Attorney M."
"Ah, lilinawin mo kasi. Pero parang malabo pa rin. Ano 'yon, siya ang naglilihi?"
"Yep, you got it right."
"You're just pulling my leg. Huwag ka nga."
"Gago, hindi kita niloloko."
Napamaang na naman si Venom kay Vengeance. Kain lang naman nang kain 'yong isa. Wala ng pakialam sa mga taong nag-uusap sa paligid niya.
"Ano? Makikikain ka ba o tutunganga ka na lang riyan kay V?" ani Thorn kay Venom. May dala na rin itong isang plato na puno ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
