Chapter Fifty-Three
"AND the hunt shall begin..." napabuga ng hangin si Qaid atsaka pinagsalabid sa likuran ng batok ang mga daliri habang nakatingin sa text na nakasulat sa monitor.
Nakakunot din ang noo ni Vengeance na napapaisip sa decrypted text.
"Cerberus is the three-head watchdog of the underworld, right?" ani Qaid. Pabagsak nitong isinandal ang likuran sa kinauupuang computer chair.
"Three heads? According to Hesiod, Cerberus was fifty-headed. He was the hound of Hades who fawned on those that entered the underworld but ate those who tried to leave."
"Really? Ngayon ko lang nalaman 'yan."
"I want you to dig something for me from those files."
"About who?"
Matamang napaisip si Vengeance. Could there be something about Baby Rose Ilacad from those files?
"Baby Rose Ilacad."
"Baby Rose Ilacad? Where have I heard that name before?" tila may pagtatakang tanong ni Qaid habang mabilis na tumitipa ang mga daliri sa keyboard.
"She was my wife's case."
"Wife--oh, fuck. I heard congratulations are in order," nabahiran ng masayang ngiti ang mga labi ni Qaid nang lingunin siya. "Damn, isa-isa na yata kayong nalalagas, ah. Sino kaya ang susunod?"
"Sino ba ang pinakamatanda?"
Napangisi ito sa sinabi niya. "Si Pope? Mukhang malabo pa sa tubig-baha na mag-asawa 'yon."
Napangiti rin siya sa sinabi nito. "We'll never know."
"May alam ka ba na hindi namin alam?"
Ngumiti lang siya nang misteryoso. "That's for me to know and for you to find out."
"Hah, I'm gonna hack your telecommunication devices."
"You are welcome to try, kid. But just so you know, there are private matters better discussed off-line."
He just scoffed. "You owe us dinner. Or lunch, whichever will do."
"Sure. After all this mess had settled down, I'll invite everyone for a banquet."
"I'll be there. I'm interested to meet the infamous Black Widow who had you eating in the palm of her hands."
"Tss." Hindi na niya iyon kinontra dahil may katotohanan naman.
"Mary Rose Ilacad," iyon ang lumabas sa search result. "Sigurado ka bang...?"
Hindi natapos ni Qaid ang sinasabi nang may lumabas na mga lumang news clips doon. Maiikling artikulo lamang iyon sa mga tabloid. Na ang mga titulo ay nakatatawag ng pansin--Isang Dalagita Natagpuang Patay Sa Isang Bakanteng Lote, Dalagitang Nawawala Hinihinalang Hinalay Bago Pinatay, Hubo't Hubad Na Bangkay Ng Isang Dalagita Natagpuan.
Ilan lamang iyon sa mga nakangingilong title mula sa mga tabloid. Nabanggit din iyon sa isang broadsheet ngunit maliban doon ay wala na.
"When was this?" tanong ni Vengeance.
Nang tingnan nila ang date sa mga news clips ay sinasabi roon na may labinlimang taon na ang nakalilipas.
"How is she related to Baby Rose Ilacad? Or are they even related?" tanong ni Vengeance.
Nang magpatuloy sa pagtipa si Qaid ay lumabas doon ang ilan pang impormasyon tungkol sa biktima. Panganay itong kapatid ni Baby Rose. Bago ang pagkakatagpo sa bangkay ng dalagita ay may nakakita ritong isang sidewalk vendor na may kausap na matangkad na lalaki. Diumano'y tila may itinatanong dito iyon. Nakakotse raw iyon at mukhang mayaman. Dagdag pa ng vendor, mukhang pinapakyaw ng lalaki ang tindang sampagita ni Mary Rose dahil iyon ang sideline job ng dalagita upang may maipangtustos sa pag-aaral. Nalingat lang daw sandali ang vendor dahil may bumili rito. Sa muling pagsulyap nito sa kinatatayuan ni Mary Rose ay puwetan na lamang ng kotse ang nakita nito. Wala na rin ang dalagita.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
אקשןSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
