CHAPTER 4

661 42 4
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

"Someone's calling baby"  rinig kong ring nung cellphone ko.

Pinalitan ko na ang ringtone ko kasi parang mas maganda pakinggan 'to. Ang pagiging delulu ko ay malala na. Boses 'yan ng isang koryanong pogi na nakita ko lang sa YouTube kaya ginawa ko ng ringtone.

"Pe, pahawak nga" sabi ko at inabot sakanya yung hawak kong paper bag para makuha ang cellphone ko na nsa bulaa ng palda ko.

"Ma" sagot ko sa tawag.

"Pauwi na kayo?" Tanong niya.

"Opo. Nasa tricycle na nga po ehh. Bakit po?"

"Aalis tayo, kumain na muna kayo pagdating dito. Nakahugas na ako, bilisan niyo" sabi niya bago ibinaba yung tawag.

Saan naman kaya pupunta? Pagod na ako ehh. Pagbaba namin ng tricycle dali-dali naman kaming naglakad papaso nang subdivision, ang dilim pa naman dito.

Pagdating namin sa bahay nandon na si papa.

"Ohh ayan na pala sila" sabi ni mama. Nakabihis na si mama pati na din 'yung kambal.

"Kumain na muna kayo jan" sabi ni papa habang binababa ko ang bag ko sa sofa.

"Saan po ang punta natin?" Tanong ko sabay alis nung palda ko kahit nasa sala pa ako. Naka-short naman ako.

"Ayy jusko kang bata ka, nakalimutan mo ba na birthday nung second cousin mo ngayon?"

Sino raw?

"Sino po?" Hindi ko matandaan ehh.

"Si Jamaica. Pinsan mo sa side ng papa mo. Dalian mo na at hinihingay na tayo doon" sabi ni mama.

Ay kaya naman pala hindi ko maalala, ehh hindi naman kami close no'n tch. Yayamanin ang putek, ang arte jusko sarap ingudngud sa bato. Pero dahil may pagkain, gora tayo!

"Hindi na ako kakain, doon na lang po ako kakain!" sigaw ko sabay takbo papunta sa banyo para maghilamos.

*****

Nagsuot lang ako ng simpleng sunday dress tsaka sandals. Nakalugay lang din ako kasi malamig, nagugutom na din ako. Paghinto nung jepp ni papa, narinig ko naman yung lakas ng tunog ng mikropono mula sa loob.

"Pasok na" sabi ni mama kaya nauna na akong pumasok.

Ayy bongga 16th birthday lang grabe ang daming tao.

"Ohh nandito na pala ang dancer namin" biglang sabi nung mc, si Tita Janice kaya napalingon naman lahat saamin kaya natigilan ako.

Ackkk to much attention.(⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

"Let's give a round of applause! Ms. Czarrinne Mendioro the cousin of the birthday girl!" Sabi niya at nagpalakpakan naman silang lahat kaya lumingon ako kay mama.

"Ma" sabi ko at humihingi ng tulong.

"Sige na 'nak. Pagbigyan mo na vi-videohan kita" Sabi ni mama.

Bago humarap, ngumuso muna ako saka bumuntong hininga. Pagod na ako tapos whaaaaa! Nagugutom na ako ehhh. Pagharap ko nagpilit naman ako ng ngit saka tumaas sa mini stage sa harap.

Ano naman kaya sasayawin ko. Nakadress ako, 'wag lang nila akong pagsayawin ng hiphop dahil nako, makakapatay ako.

'What is love' playing by Twice.

Sumayaw naman ako at kahit pagod na in-enjoy ko 'yung moment na 'y9n. Napakagirly ng sayaw na 'to kaya dapat smooth and girly din ang galaw ko.

Nang matapos, lumapit ako kay Jamaica at nakipagbeso. Kahit naman ayaw ko dito at gusto kong ingudngod sa bato, nagiging mabait pa rin ako sakanya.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon