CHAPTER 39

219 20 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Araw na ng lingo at pag-gising ko kaning umaga sobrang sakit ng ulo ko at umiikot ang paningin ko, pero nakatayo pa rin naman ako ng maayos kaso lang biglang mas sumakit talaga kaya eto nakahiga lang ako sa kwarto ko habang katabi ang kambal at nanonood ng cartoons sa youtube.

Alas nwebe pa lang ng umaga at wala naman ng gagawin dito sa bahay kasi naglinis na daw kahapon si Pejay tsaka nakapaglaba na rin daw kahapon.

"Ayy teka lang ha" sabi ko sa dalawa ng biglang may magchat saakin kaya tinignan ko naman kaagad kung sino.

Mistising hilaw:
Pards wala ka namang
ginagawa? Video call tayo.

Si mistisong hilaw pala.

Me:
Bakit?

Mistisong hilaw:
Basta

Napataas naman ang kilay ko at panibagong chat ang dumating galing sa gc na ginawa nila. Pinindot ko naman yung join para sumali sa video call nila pero nakasara lang yung camera ko.

"Czar, ba't naka off ang camera mo? Buksan mo" rinig kong sabi ni Val habang inaayos-ayos ang buhok niya.

"Bakit ba?" Mahina kong tanong dahil biglang kumirot yung ulo ko.

"Nangyare sa boses mo pards?" Magkasalubong na kilay na sabi ni mistisong hilaw.

"Wala hahaha masakit lang ang ulo ko" sabi ko at bigla namang nagsalita 'tong kambal ng kung ano-ano. "Shh 'wag maingay" saway ko sakanila.

"Hi Ivan, Ian" bati nila sa kambal.

"Hi!!" Sabi nilang dalawa at inagaw na saakin 'yong cellphone saka binuksan ang camera.

Marunong na 'yan maki-alam ng cellphone ehh kaya alam nila kung alin ang pipindutin.

"'yan ice cream pa pards" sabi ni mistisong hilaw.

"Hoy! Binigay mo kasi saakin yung 'iyo ehh" sabi ko sabay agaw sa dalawa nung cellphone ko.

"Pft hahahahahaha anong mukha 'yan Czar?" Tawa ni Ken kaya inirapan ko siya.

"Hindi ka naman nilalagnat, Czar?" Tanong naman no Renzo.

"Hindi naman masakit lang talaga ang ulo ko tsaka ayos lang naman ako" sabi ko saka umupo kaya tumabi naman ulit saakin ang kambal at kung ano-anong filter ang pinindot.

"Uminom ka ng gamot hindi lalapit sa 'yo gamot tsaka walang mag-aalaga sa 'yo jan gaya ng mga binabasa mo" sabi ni mistisong hilaw kaya natawa ako. "'yong sinasabi mong gwapo? Na umiigting ang panga tsaka sweet? Walang ganon na darating jan pards para alagaan ka" sabi niya pa kaya nagsitawanan naman kami.

"Abnormal ka. Alam ko!" Natatawa kong sabi.

"Ayy nga pala pards tanong ko lang bakit wala yung tita mo kagabi?" Bigla niyang tanong kaya bigla ko namang naalala si tita.

"Ayy oo nga ano" sabi ko at tatawagin na sana si mama ng magsalita naman si Val.

"Tinanong rin namin si sir kanina pero ang sagot niya hindi niya raw alam pero pakiramdam ko alam niya" sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Para makumpirna tinawag ko si mama.

"Bakit?" Tanong ni mama pagpasok ng kwarto ko.

"Mama si tita po pala asan? Hindi namin siya nakita kagabi" sabi ko at bigla naman si mama napailing pero agad din naman ibinalik ang tingin saakin.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon