⚛⚛⚛
ALLEN
"Sa last part, pards walang halong malisya ahh. Hahawak si Allen sa bewang mo tapos didikit ka ng konte sakanya tapos fierce tayong lahat nakatingin sa unahan at ikaw tingkayad ka ng kaunti ha at umakbay ka sakanya gamit ang braso mo. Tatakpan ka namen" sabi ni Jellian na ikinahiya ko bigla.
It will be so uncomfortable for Czarianne, and I don't want that to happen. Komportable na siyang nakikiusap saakin kanina ehh.
"Ayos lang ba pards?" Tanong ulit ni Jellian kay Czar kaya tinignan ko si Czarianne na nakatingin lang sakanya.
She's thingking.
Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.
"Sige. Sabi mo walang halong malisya ehh, walang halong malisya Allen ahh barkada lang" sabi niya at tinuro pa ako.
Whoa she really amaze me, wala ng arte-arte go agad!
"Ok" sabi ko pero sa loob-loob ko gustong-gusto kong ngumiti ng malapad pero hanggang pigil muna ako baka makahalata siya.
We do it again one more time and at this time komportable na talaga siyang nakikipag-usap saakin.
"Hahahaha tae ang tangkad mo saan ka ba nagmana, sa dwende?" Biro niya.
"Hahahahahahaha Czar baliktad. Anong dwende ka jan? Kapre ata" natatawang sabi ni Val kaya tumawa din kami.
"Alam ko bakit? Bigyan natin ng chance na tumangkad ang dwende 'no! Kayo grabe kayo sa dwende" depensa niya na ikinatawa namin.
She really likes pulling jokes hahaha.
"Oo na ang daldal mo pards gawin na natin ang last part yohooo!" Sabi ni Jellian kaya pumwesto naman ulit kami.
"Game game. Eight, seven, six, five, four, three, two, one, and pose" bilang naman ni Val.
Medyo nag-alangan pa akong hawakan si Czar sa bewang kaya hindi ko masyadong dinikit ang palad ko sa bewang niya.
"Nice, nice, nice." Sabi ni Zendel kaya bumitaw agad ako sakanya at ganon din siya.
"Hahahahaha tae pinapahirapan niyo ako ehh 'no?" Sabi niya at pabagsak na naupos sa sahig.
Tinignan ko lang siya habang nakatalikod saakin saka ako ngumiti ng bahagya bago naupo din sa tabi niya.
"Five minutes guys!" Sigaw ni tito kaya tumingin kami sakanya. "Tapos na kayo?" Tanong niya saamin kaya napatingin ang ilang grupo saamin.
"Opo" sagot namin at tumango lang siya saka nag thumbs up.
"Ohh eto maglagay kayo ng name" abot saamin ng paper tape at pentel pen ni Ate Shane.
"Pards, ikaw na magsulat" abot naman ni Jellian kay Czar nung tape at pentel pen.
"Aba't talaga naman, ilalagay ko dito ponciopilato, si mang kepweng, si babalo, barbaro–"
"Ahh hindi na kami na!"
"Oo kami na magsusulat ng pangalan namin"
"'Wag na amina 'to kami na ha"
"Sabi nga namin kami na ang bait mo talaga Czar!"
Sabay-sabay nilang sabi at agaw ng pentel pen at tape kay Czarianne kaya tumawa siya at ganon din kami.
"Hahahahahah para namang mga tanga 'to hahahaha amina nagbibiro lang. Baka mamaya mapagkamalan ngang 'yon ang pangalan niyo dahil sa sulat niyo hahahaha" tawa niya at inagaw ulit sakanila yung tape at pentel pen.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...