⚛⚛⚛
ALLEN
Nang masabi ko ang mga salitang 'yon pinaglaruan ko naman ang kamay ko dahil sa kaba, nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil pakiramdam ko talaga konti na lang lalabas na ang puso ko dahil sa kaba.
Napatingin naman ako bigla sa nanay ni Czar ng marinig ko ang mahina niyang tawa at maramdaman ko ang paghawak niya sa kanan kong balikat.
"Alam mo iho napakatapang mo" sabi niya saka ngumiti saakin. "Kakasabi ko pa lang kay Czarianne kanina na gusto kitang makilala pero heto ka at nagpakilala na nga. Pero may importateng bagay lang akong sasbihin sa'yo" sabi niya saka biglang sumeryoso kaya mas kinabahan ulit ako.
"A-ano po 'yon?" tanong ko.
"Dito tayo sa medyo malayo" sabi niya at naglakad doon sa tahimik na lugar at wala masyadong tao bago humarap ulit saakin. "Ayos lang naman na magkagusto ka sa anak ko pero pakiusap ko sana ay 'wag muna ngayon ha, mga bata pa kayo at marami pang kailangang gawin para sa mga sarili niyo. Dumating man ang araw na malalaki at may sari-sarili na kayong trabaho at hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman mo kay Czar, hindi naman namin kayo pagbabawalan hmm. Pagbubutihin muna ang pag-aaral sa ngayon pero hindi ibig sabihin na pinagbabawalan din kitang magpapadala ng mga sulat sa anak ko, pagpatuloy niyo lang 'yan but know your limitations ha at gusto ko sana pormal kang magpakilala sa anak ko kasi mamaya niyan bigla siyang ma-curios kung sino ka, hinanap ka. Baka kung anong mangyare, iniingatan namin siya kasi nag-iisa lang siyang babaeng anak namin hmm" mahabang sabi niya kaya tumango-tango naman ako.
"Opo, naiintindihan ko po" sabi ko at bahagyang ngumiti sakanya.
"Ohh siya mauna na ako sa' yo ahh at kukunin ko pa 'yon kambal kong anak, mauna na ako sa 'yo. Ingat sa pag-uwi" paalam niya at ngumiti saakin.
"Kayo rin po. Thank you po" sabi ko at nakangiti siyang tinanaw bumalik sa loob ng school.
You did great Allen. Nakangiti naman akong naglakad papuntang guard house para tignan kung nandoon na 'gung sundo namen ni Katrina.
CZARIANNE
Inunat-unat ko naman ang dalawang braso ko habang nakaupo dito sa upuan ko.
Alas tres pa lang ng hapon at thirty minutes pa bago magrecess, pero wala rin naman kaming subject teaher ngayon pero may iniwang gagawin nakakaloka.
Tapos na din naman ako kaya nagpadausdos ako sa upuan ko at umaktong nakahiga habang ang paa ay nakataas sa upuan sa unahan ko.
Wala namang tao tsaka nandito ako sa pinakagilid malapit sa may electric fan, nasa labas na 'yong iba na tamad magsulat at nauna pang mag-recess.
"Uhmmm... hi Czar"
Napatingin naman ako sa gilid ko ng may tumawag saakin kaya napaayos ako ng upo ng makita ko si Jamie.
"Bakit?" tanong ko.
"Sorry nga pala sa ginawa ko sa 'yo kahapon" sabi niya at yumuko at parang nahihiya. "Hindi ko naman sinasadyang-"
"Ayy ano ka ba 'wag ka na ngang mag&drama jan! Oo na oo na tae nakalimutan ko na nga kaagad yung nangare kahapon, pinapaalala mo pa" sabi ko sabay kamot sa batok ko.
Totoo naman ehh, madali talaga akong makalimot lalo na kabang nalilibang o di kaya dahil sa pagod. Mabilis lang din naman ako magpatawad ng tao lalo na kung nakikita kong totoo talagang humihingi sila ng tawad.
Ganon ako kabait 'no! Charot! hahahahahaha.
"Basta ba 'wag mo na uulitin 'gon! Ako lang 'to 'wag ka masyadong ma-fall hahahaha joke lang" sabi ko sabay suntok sa balikat niya.

BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...