⚛⚛⚛
ALLEN
Pagkatapos namin kumain ng pananghalian mayamaya pumunta ulit kami sa court para manood nung performance ng kapatid ni Czar. At sakto nakita namin si Czar katabi sila Jellian na may hawak ng cellphone at nagvi-video.
"Go barbieee!" Sigaw ni Jellian kaya natawa naman kami.
Mayamaya lang biglang may dumating na limang babae sa likod namin at napalingon kaagad ako sakanila ng bahagya ng maranig ang sinabi nung isa.
"Aysos sinabi sainyo parehas pabida ang magkapatid ehh" sabi niya kaya nagsalubong naman ang kilay ko.
"Pero may ibibida naman kasi, kayo masyado kayong mapang ano, 'wag ngang judgemental." Rinig ko namang sabi ng isa.
"Hmm ahh basta hindi ko gusto 'yang Pejay at Czarianne na 'yan"
At doon na ako tuluyang lumingon sakanila at binigyan sila ng masamang tingin pero bigla namang may kumalabit sa kamay ko kaya napatingi ako kay Czar na nasa unahan ko lang at nakita kong ngumiti siya umiling na parang sinasabi na 'wag ko ng pansinin.
Lumingon ulit ako sa huling pagkakataon doon sa dalawang babae at kita ko naman na nagtataka silang nakatingin sa tatlo nilang kasama bago tumingin saakin kaya tumingin na ulit ako sa harapan.
"Mga tao nga naman oo, kung makapanghusga ni hindi nga nila alam at kilala 'yong tao, tapos kung magsalita pa akala mo kaya nilang gawin ang lahat" biglang sabi ni tito kaya sabay-sabay kaming napatingin sakanya at nginitian lang niya kami.
"Tara na, ang ingay ninyo kasing dalawa" rinig kong sabi nung isa kaya napangisi naman ako at nagfocus na lang sa unahan.
Ilang minuto lang ay natapos na din ang performance nina Pejay at saka naman tumakbo si Czar pabalik doon sa classroom na pinagpapalitan nila ng damit.
"Mga pamangks dito muna kayo tutulungan ko lang si Czar magpalit ha" sabi ni tito kaya tumango naman kami at nanatili sa upuan namin.
Pero mayamaya biglang tumawag si tito saakin at pinapapunta ako doon kaya agad naman akong pumunta.
"Ano po 'yon?" Tanong ko ng makapasok kaya umalis naman si tito sa harap ni Czar at bigla akong napatingin sakanya saka natulala.
Ang ganda niya, sobra. Naka mermaid gown siyang kulay blue pero may sleeves 'yon na yung see through lang at may mga palamuting bulalak na malilit tsaka mga makikinang na bagay sa may laylayan ng gown niya. Sayad 'yon sa sahig kaya parang ako naman bigla ang nahirapan sakanya kasi mukhang mahirap maglakad ng ganyan ang damit.
"Psst hoy! Tama na ang titig alam kong maganda ako, tulungan mo muna kami dito" sabi ni Czar sabay pitik ng dalawang daliri niya sa harap ko kaya bigla naman akong natauhan at napansin ko din na nandito pala si tita.
"Hehehe pasensya na, ano ba ang gagawin ko?" Tanong ko kay tito na may mapang asar ng ngiting nakatingin saakin ngayon.
"Ipitan mo sa kabila si Czar, ako sa kabila" sabi ni tito kaya agad naman akong pumunta sa likod ni Czar at sinuklay ang buhok niya.
Dutch braid ang ginawa namin sa buhok niya at nilagyan namin ng sobrang buhok sa unahan para maganda. Tsaka 'yong dulo nung buhok ni Czar pinaikot namin at nilagyan ng mga bulaklak na maliit saka kinulot yung sobrang buhok niya sa unahan, marunong akong mag-ipit dahil rin kay tito pati pag make-up yata nagawa ko na dahil rin sakanya.
Pero hindi ako bakla ha sadyang gusto ko din mapag aralan noon kasi curious din ako, tsaka nakaka enjoy din minsan. Pagkatapos namin ipitan si Czar pinaglakad naman siya ni tito at hindi naman daw pala mahirap mag lakad kahit ganon ang suot niya.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...