CHAPTER 32

212 22 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Inaaantok naman akong nanonood sa mga estudyanteng nasa unahan ko habang nagsasalita, napahikab ulit ako at nagdekwartro saka ko pinagcross ang dalawang braso ko.

Nakakaantok kayang maupo lang dito at makinig sa mga pinagsasasabi nila. Dumaosdos naman ako sa inuupuan ko at sinandal ang ulo sa upuan.

"Hoy sinusulat mo ba 'yang nasa white board" kalabit saakin ni Marcus kaya tumango naman ako at pinakita sakanya yung hawak kong maliit na notebook na dala ko.

"Today is wednesday..." Napaupo naman ako ng maayos ng biglang marinig ang word na wednesday.

"Anong araw ngayon?" Tanong ko at tinapik-tapik si Marcus gamit ang likod ng kamay ko habang ginagala ang tingin sa paligid.

Nagbabakasakaling mahanap si mistisong hilaw.

"Wednesday, myerkules bakit?" Sabi niya.

"May practice kami ngayon" sabi ko at tinignan siya na puno ng gulat ng maalala ko 'yung sinabi ni sir nung sabado.

"Sa sayaw?" Tanong niya kaya sunod-sunod naman akong tumango sakanya.

"Anong problema mo, Czar?" Biglang tanong saaken ni Atasha ng makabalik galing sa cr.

"Tae 'yan" sabi ko at tinignan ang oras sa cellphone ko at three fourthy na ng hapon kaya tumayo na ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ulit ni Atasha.

"Aalis na ako ha, ikaw muna magsulat ha may practice kasi kami ngayon, 'densya na. Pres alis na ako, kayo na bahala jan hindi niyo naman ako kailangan jan ehh" nagmamadali kong sabi sabay takbo palabalik ng room para kuhamin yung jogging pants, t-shirt at rubber shoes ko.

Kaya nga pala ako nagdala no'n kasi may practice kami, bakit ba kasi kay ganda kong tao makakalimutin ko! Chos!

"Good afternoon ma'am" bati ko kay madam pag-apak ko ng pintuan at hinihingal na pumasok.

Tumango lang si madam saakin kaya dumeretso ako sa upuan ko, hinanap ko pa nga ang upuan ko kung nasaan kasi nagsilipatan na sila. Sa huli nakita ko yung bag at upuan ko sa tabi ni Jamie.

"Ohh Czar, tapos na?" Tanong niya pero sinenyasan ko siyang 'wag magingay kasi nagle-lesson si ma'am.

"Hindi pa, may kukunin lang ako" pabulong kong sabi at nilabas yung eco bag saka paalam ulit kay ma'am na lalabas ulit ako.

Tumakbo naman ako papuntang cr at doon mabilisang nagpalit, ng matapos agad ko namang dali-daling nilagay sa maliit kong eco bag 'yung uniform ko.

Naku gusot 'to mamaya, pero hindi bale na, hindi na rin na naman ako magpapalit ng damit. Tumakbo na ako papuntang dance practice room at nakasalubong ko naman sina Jellian na papalabas din doon.

"Ohh Czar, nanjan ka na pala! Tara na sa loob" sabi ni Val.

"Ba't ganyan itsura mo?" Nakangiwing tanong saakin ni mistisong hilaw at tinignan ako mula ulo syempre mukhang dyosa.

Char! I mean mula ulo hanggang paa kaya tinignan ko din ang sarili ko at ngayon ko lang napagtantong suot ko pa pala ang palda ko kaya rinig ko naman ang tawanan nila.

"Ehh sa nagmamadali ako! Akala ko nagsisimula na kayo ehh" sabi ko at sinamaan sila ng tingin at akmang huhubarin yung palda ko pinigilan nila ako.

"Hoy Czar, 'wag dito!"

"Hoy hoy hoy hoy!"

"'Wag!"

Sabay-sabay nilang sabi kaya tinaasan ko naman sila ng kilay sabay irap.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon