CHAPTER 6

602 36 7
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Nakauwi na kami sa bahay at nakaupo ako sa kama ko habang nakikinig ng music ng BTS. Sa sobrang inis ko kanina hindi nila ako nakausap buong klase.

Habang nagmumuni-muni ako dito, bigla na lang tumunog ang messeger ko.

Sino naman kaya 'to? Tinignan ko naman at si mistisong hilaw lang pala.

Mistisong hilaw:
Badtrip ka raw

Czar:

Ohh tapos?

Mistisong hilaw:
Badtrip nga
Nga pala nabasa mo na?

Czar:

Alin?

Mistisong hilaw:
Yung nasa pink na sobre

Czar:

Hindi pa. Bakit?

Mistisong hilaw:
Basahin mo na. May
nagchat kasi saaken,
hinihintay ang sulat mo.

Czar:

At talagang
magsusulat ako pabalik?
Ano siya gold?
M

istisong hilaw:
Basahin mo na nga lang.
Ikaw na bahala kung
magsusulat ka pabalik.

Binababa ko naman yung cellphone ko at kinuha yung bag ko at inilabas ulit yung pink na sobre.

Nang matapos yung music ng BTS tumugtog naman yung kantang 'Lucky' saka ko dahan-dahan binuksan 'yon. Kinuha ko naman yung laman at binuklat yung nakatuping papel. Ang ganda ng sulat ahh, infairness.

Uhmmm...Hi Czarianne! I'm... I'm your secret admirer I guess? Do you find this letter weird? If it does I'm sorry, sa totoo lang hindi ko alam ang isusulat ko dito. Pero gusto ko lang makilala ka pa. Uhmmm... I will say this because it's obvious already that I i like you, I know you're not interested having a boyfriend and I respect that. That's why I want to be friends with you, is that ok with you? At nga pala hindi ako stalker ha. Hinanap ko lang Facebook account mo pero hindi kita ini-stalk promise! So, if you want to reply matutuwa ako doon pero if ayaw mo naman ok lang. So I hope you have a good day today, be careful always^_^.

From
Mr. Secret Admirer

Napangiti naman ako ng mabasa 'yon. Napaka-honest niya and he's funny and... And sweet?

Mayamaya lang natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagsusulat sa isang coupon bond at gumagawa ng sobre gaya nung sakanyang na kulay baby blue.

*****

"Someone's calling baby"

Nagising ako kinabukasan ng tumunog ang cellphone ko kaya kinapa ko naman 'yon.

"Ohh?" Sagot ko kahit hindi nakita kung sino 'yung tumatawag.

"Oyyy pards napatawag ako kasi sabi ni sir, yung nagtuturo saatin na may practice daw tayo ngayong umaga" rinig kong sabi ni mistisong hilaw.

"Ano?!" Gulat kong sabi at biglang napabalikwas sa pagkakahiga.

"Chillax five thirty palang ng umga, mamayang eight pa tayo"

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon