⚛⚛⚛
CZARIANNE
"Shuta" sabi ko ng makita ako ni Jedah pero bigla niya akong sinenyasan na umalis na kaya napakamot ako sa ulo. "Ano raw?" Nagtataka kong sabi.
Tumingin ulit ako sakanya at tinuro niya si lovely at sinisenyas na pinuntahan si kuyang guard para isumbong kami kaya napa 'ahh' ako at tinawag sina mistisong hilaw..
"Mistisong hilaw, tago!" Sabi ko at pagkasabing-pagkasabi ko no'n nataranta sila kahit hindi pa alam kung bakit ko sila pinapatago. Kanina kasing pinapataas ayaw.
Yung iba agad na kumapit sa isang sangga at tumaas din dito sa mangga yung iba naman nagtago sa likod ng malaking basurahan.
"Yuck ang baho dito" nakatakip na ilong na sabi ni Val na halos naduwal na.
"Ano ba kasing meron?" Sabi naman ni Renzo pero sinenyaan ko siyang manahimik. "Bakit?" Pabulong niyang sabi.
"Nanjan si guard at papunta dito kasama si Lovely at si Jedah kaya kung ayaw niyong masermunan magtago na kayo." Mahina pero may kalakasan kong sabi sapat na para marinig nilang lahat.
Magsasalita pa sana si Allen ng makita ko silang tatlo na papasok na sa gate netong garden kaya tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mata.
"Saan ba?" Rinig kong sabi ni kuyang guard.
Yung isang guard 'to hindi 'to yung mabait, siya yung sobrang higpit magpalabas at magpapasok ng estudyante tuwing may nalelate o walang ID jusme.
"Nakita ko po silang pumunta sa direksyon na "to" rinig kong sabi ni Lovely kaya nanliit naman ang mata ko at biglang nainis.
"Baka naman ate hindi sila dito pumunta" rinig kong sabi ni Jedah at hindi mo mahahalatang nagsisinungaling siya.
"Hindi. Dito ko sila nakita kanina ehh" giit ni Lovely kaya napairap na ako habang nasa bibig pa rin ni Allen ang kamay ko.
"Sigurado ka neng? Baka nagkakamali ka lang tsaka siguro naman alam nilang bawal pumunta sa direksyon na 'to lalo na't walang tao. Tsaka ilan ba sila?" rinig kong sabi naman ni kuyang guard.
"Marami po puro lalake tsaka isang babae po" sabi niya kaya tumaas ang gilid ng labi ko at nanggigigil sakanya.
Makakasapak ako ng babae ngayon.
Napatingin naman ako kay Allen ng kalabitin niya ako kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na mukha. Sinenyas naman niya na tanggalin ang kamay ko sa bibig niya kaya natauhan naman ako tinanggal 'yon.
"Sorry" mahinang-mahinang bulong ko.
*Screech*
Nanlaki naman ang mata ko ng marinig 'yon at dahan-dahan akong napatingin sa sanggang inaapakan namin at mukhang bibigay na.
Bigla naman nataranta sina Jellian pero pinigilan ko silang gumalaw kasi malilintikan talaga kami kapag nahulog at nahuli kami.
"Mahuhulog tayo" mahinang sabi ni Justine habang mahigpit ang hawak sa balikat ko.
"Alam ko, bumitaw ka kung ayaw mo maunang mahulog" mahina at gigil kong sabi sakanya kasi nasasaktan ako.
"Ayy pasensya na, sorry Czar sorry–"
"Shh" sabi ko at tumahimik naman siya.
Jusme kailan ba kayo aalis?
"Wala namang tao dito baka sa ibang lugar naman pumunta ang mga 'yon, halika na" sabi ni kuyang guard kaya dumungaw naman ako ng konti para makita sila at nakita ko ulit nakatingin si Jedah saakin at sinenyasan ako na manatili muna dito kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
JugendliteraturAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...