CHAPTER 48

172 16 2
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Nang matapos kaming sumayaw, nagulat at napahinto ako dahil sa mga kapwa kong estudyanteng hinila ako para magpa-picture kaya ngumiti na lang ako sa harap ng camera.

Pinagpasa-pasahan lang nila kami para mag-pa-picture hahahahaha ng matapos, si mama agad ang pinuntahan ko saka nagmano sakanya at humalik sa pisngi nung kambal.

"Kasama pala kayo hmm kumusta ang school?" Sabi ko sakanilang dalawa kasi mukhang kakagaling lang nila sa school nila hahaha.

"Ayos ate! Perfect ako kanina sa test namin ganon din si Ian" sabi ni Ivan.

"Talaga!? Wow ang galing nag-kopyahan kayong dalawa 'no? Hahahahaha joke lang" sabi ko sabay tayo ulit at nagitla ako ng biglang may umakbay sa balikat ko at si mistisong hilaw lang pala.

"Tita! Hahahahahaha may gusto sana pala kaming sabihin sa 'yo" sabi niya saka kinawayan yung kambal.

"Tara. Mama dito lang kami ng kambal" paalam ko kay mama at tumango naman siya kaya dinala ko yung kambal sa may canteen para bumili ng biscuit at C2.

Pagbalik, nakasalubong ko sina Justine at Allen kaya nagparga naman si Ivan kay Allen, susme 'tong batang 'to oo.

"Kaya mo?" Tanong ko sakanya at tumango nama siya saka nilaro si Ivan.

"Hahahahahaha Czar sikat ka na ahh! Hahahaha" sabi ni Justine at kinuha yung C2 sa kamay ko para buksan at binigay kay Ian.

"Sikat ka jan ngayon lang 'yan bukas limot na nila 'yan hahahahaha" sabi ko at nakita ko naman yung banner na hawak ni Justine.

"Hahahaha hay naku Czar ako nagsulat neto hahaha buti na lang nakumbinse ko 'tong si pare na itaas kanina hahahaha" sabi niya at binuklat ulit yung banner.

"Maloko ka din" sabi ko. "Panalo kayo?" Tanong ko kay Allen.

"Hindi pa" sagot niya.

"Huh?"

"Maglalaro pa lang kami jan sa field ng college" nakangiting sabi niya.

"Ahh"

"P'wede kayong manood Czar. Dumaan lang kami dito para mapanood ka netong kaibigan ko yieeeee" Sabi naman ni Justine.

"Hahahaha hindi ko lang alam kung payagan ako ni mama" sabi ko.

"Ayy oo nga pala" sabi niya at bigla namang lumapit saakin si mistisong hilaw at binati 'yong dalawa.

"Pards" tuwang-tuwang niyang sabi. Ang lapad ng ngiti ehh.

"Bakit? Bakit ang lapad ng ngiti mo?" Nakangiti kong sabi.

"Nagpaalam kami kay tita, diba yung sinabi namin sayo na isasama ka namin sa grupo namin"

"Ohh ano doon? Pumayag ba?"

"Oo naman! Aysos ako pa ba? Hindi matatanggihan ni tita 'tong kagwapuhan–"

*Pak*

"'yan ka na naman ehh, kahambugan mo grabe" sabi ko ng batukan ko siya.

Sila Allen naman tawang-tawa lang.

"Tch. Ayy nga pala nagpaalam din kami kay tita na isasama ka namin" sabi niya ulit

"Saan na naman? Akala ko uuwi na tayo?" Sabi ko.

Kasi wala na namang pasok, puro na event ang meron ngayong hapon tsaka bukas pa magsisimula yung Mr. and Ms. Intramurals hanggang gabi daw 'yon ehh.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon