CHAPTER 46

207 20 3
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Dumaan ang ilang araw at heto sabado na naman, wala naman masyadong nangyare noong huwebes at byernes kasi puro lang practice sa pagkanta ang inatupag ko.

('yon lang?)

Ehe syempre sa pagsusulat na din ng... letter hahahahaha ehh paano wala ngang oras si Allen gumala kasi may practice sila sa soccer for the intramurals na gaganapin sa lunes hanggang friday, 'yon ayy kung manalo sila.

Tsaka madalas ko din makita sina Lawrence at Mark Jade kaya oks na ako doon hahahaha, si Lawrence kasi busy din sa pag pracrice sa drum and lyres. Si Mark Jade naman sa dancing din kasi may pa program pala ang principal this tuesday hahahahaha at yung mga abnormal naman, sina mistisong hilaw ayown pa easy-easy lang kahit alam nilang sasayaw din kami sa tuesday.

Sabi daw kasi sayawin daw namin yung sinayaw namin nung isang linggo. Natural pagod na naman ako niyan whaaaaaaa!!

"Ate Czar!" Tawag saakin ni Jedah kaya lumingon ako sakanya at kita kong hila-hila niya si Lovely pero ngumiti pa rin ako sakanila.

"Jedah, kumusta na?" Tanong ko at nakipag apir naman siya saakin.

"Ayos naman po, nakita namin yung sayaw niyo nung isang sabado, ang astig mo po doan ate! Diba at Lovely?" Tuwang-tuwa niyang sabi kaya tinignan ko naman si Lovely.

Umirap naman siya bago nagsalita.

"Oo" sagot niya kaya napangiti ako. "But! Wag kang mag e-expect na porket sinabi kong magaling kang sumayaw mag best friend na tayo, ayoko pa rin sa 'yo" sabi niya pero nilahad yung kamay sa harapan ko.

Nalito naman ako sa una pero tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi na makipag shake hands ako sakanya kaya ginawa ko na rin saka siya tumalikod saakin.

"Nangyare doon? Hahaha weird" sabi ko at napakamot na lang sa batok.

"Ganon lang po talaga 'yang pinsan kong 'yon hahahaha pero it's means gusto ka no'n maging friend" sabi ni Jedah kaya tinignan ko ulit si Lovely.

"Ganon? Sige" nakangiti kong sabi.

"Mataray lang talaga 'yan ate kaya hayaan niyo na po, baliktad lang po talaga ang utak niyan hahaha" sabi niya ulit at tumango naman ako at ngumiti.

Well, hindi naman masama na maging friends kami diba? Hahahahaha nagpaalam naman ako sakanya saka ko hinanap si mistisong hilaw para maka uwi na kami ng sabay pero wala naman dito kaya kinuha ko na 'yong bag ko at naglakad na palabas ng school.

Alas kwatro na at maagang natapos 'tong workshop namen dito sa dancing, pero ng makalabas na ako bigla namang may humarang na mga babae sa dinadaanan ko kaya napahinto ako at napatingin sakanila.

"Sino sila?" Tanong ko sakanila pero tinaasan naman ako ng kilay netong kaharap ko.

"Eto yung papansin na babae diba?" Sabi niya at lumingon sa mga kasama niya.

"Huh?" Naguguluhan kong sabi sakanila.

Ano na naman 'to!?

"Oww wala ka ngang alam, nagkakagusto lang naman ang mga crush namin sayo dahil sa pagiging papansin mo" mataray niya sabi at napakurap-kurap naman ako bago bumuga ng hangin saka tumawa.

"Hahahahahaha ilang taon na ba kayo? Tsaka ako papansin?" Tanong ko.

"Thirteen why?" Mataray na sagot nung isa pa.

"Jusme hahahaha kalmahan niyo ha, kalmahan, ano naman ngayon kung nagkakagusto saakin ang mga crush ninyo? Hoy ang babata niyo pa ohh 'wag nga kayong masyadong magselos hahahahaha" natatawa kong sabi sakanila. "Tsaka kung makapagsalita kayo boyfriend niyo? Boyfriend niyo ha? Tsaka magselos kayo kung crush din kayo jusme" sabi ko kaya natahimik naman silang lahat at napasimangot.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon