CHAPTER 9

433 34 3
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

Tinignan ko naman si pards habang papalayo. Mabait siyang kaibigan para saakin at maalala din, minsan nga lang kapag sinusumpong, ang maldita at masyadong mainitin ang ulo kaya siguro maraming ayaw sakanya.

Alam niyo ba na kaya ayaw niyan minsan makipagkaibigan sa mga babae kasi sabi niya masyado raw siyang naiilang sa paligid nila. Tsaka feeling niya pinaplastic lang siya, may trust issues 'yan ehh natatakot siyang makagawa ulit ng isang pagkakamali dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng kaibigan.

Nangyare na 'yan noon ehh.

*Flashback*

"Pards, para kanino ba 'yang mga papel na 'yan? At para saan 'yan?" Tanong ko habang naglalakad kami sa corridor.

"Ah eto, pinagawa saakin nila Jannine" sabi niya.

"Huh? Diba sabi mo project 'yan? Bakit ikaw ang gumagawa?" Bigla naman akong nainis pero hindi ko lang pinahalata.

"Bakit? Kaibigan ko naman sila ehh tsaka isa pa, maliit na bagay lang naman 'to 'no" nakangiting sabi niya.

"Ako ngang hindit kita ginaganyan, hinahayaan mo sila" pabulong kong sabi

"Ano? May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Wala–"

"Hahahaha alam mo girl hindi ko naman talaga sineseryoso ang pagkakaibigan namin ni Czarianne. Hahahaha ginagamit ko lang siya like duh! Ako makikipagkaibigan sa isang tulad niya? Bukod sa ang itim niya boring siyang kasama" napahinto naman kami ni pards nung marinig 'yon.

Napatitig naman ako kay pards at nagula ako nang bigla siyang pumasok sa room nila kaya sumunod ako sakanya.

"Hoy pards, anong gagawin mo hoy" habol ko sakanya at pilit na pinipigilan siya.

"C-czar!" Halatang gulat at pilit na ngiting sabi ni Jannine. "Eto na ba 'yung project namin?" Tanong niya at mukhang kinakabahan siya.

Nang akmang kukunin niya sa kamay ni pards 'yon binitawan na ni pards 'yon bago pa makuha ni Jannine at ang mas ikinagulat namen ay nung apakan niya 'yon. Ohhh!

"Salamat sa anim na buwan na pagiging 'plastic' best friend saakin. Eto na yung mga project ninyo, inapakan ko kasi nakalimutan kong lagyan ng design" nakangisi niyang sabi saka sila tinarayan bago lumabas kaya sumunod naman ako.

"Pards, ayos ka lang?" Tanong ko.

"Oo naman! Bakit ano sa tingin mo iiyak ako dahil lang doon? Tch. Hinihintay ko din ang araw na 'to kaso sayang hindi ko nagawa yung matagal ko ng gusting gawin sakanila kapag nangyare 'to, sayang" nanghihinayang niyang sabi.

"Ano naman 'yon?" Curious kong tanong.

"Sasampalin. Sasabunutan. Yung gugulpihin sila, pero pasalamat sjla 'yon lang ginawa ko" sabi niya with matching nanggigigil na mukha. "Pero ayos ba yung mga sinabi ko?" Nakangiti niyang tanong saaken at inakbayan ako.

"Ayos! Parang sa mga pelikula lang 'gung ginawa mo kanina pards!" Sabi ko naman.

*End of Flashback*

Pft. Matapang si pards kaya nga mas lalo ko siyang nagustuhan, pero alam niyo deep inside nalulungkot 'yon noong araw na 'yon.

Kaya simula noon naging iwas na siyang makipagkaibigan, maraming ayaw sakanya pero marami din naman ang nagmamahal sakanya, at isa na ako doon bilang best friend niya.

Sila Frienchie at Jemma sila mismo yung nakipagkaibigan kay pards, share ko lang. Nakita rin siguro nila yung kahalagahan ni pards, kung magkakaroon man 'yan ng ibang kaibigan yung mga close friend niya tapos kalaunan iiwan din siya kaya sanay na 'yan si pards sa ganon.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon