⚛⚛⚛
CZARRINNE
Hay salamat friday na! Eto na nga at nag-aantay na kami ni Pejay ng tricycle pero ang tagal naman, ayokong na le-late ehh.
"Ate jeep na lang tayo" sabi ni Pejay na mukhang atat na din makapuntang school.
"Ohh sige" sabi ko at mayamaya lang nakatanaw na ako ng jeep kaya pinara ko na saka kami sumakay.
Alangan namang kumabit agad kami kahit umaandar pa. Hahahahaha tanga ng utak ko 'no?
Bago naman ako makataas sa jeep, napahinto naman ako ng makita ang isang tao na hindi ko inaasahang makita ngayong araw. Si sungit, umiwas naman ako ng tingin at sumakay na kaso lang. Lintik lang!
Umandar agad yung jeep kaya muntik na naman akong masubsob buti na lang nakahawak agad ako doon sa bakal sa taas. Kaso napatingin naman ako sa may tiyan ko ng maramdaman kong may nakapulupot na braso doon.
Mukhang nagulat naman siya kaya tinanggal naman niya agad kaya naupo naman ako sa tabi niya, 'yon na lang ang bakanteng na upuan ehh. Sh*t kahiya 'yon!
"Bayad po!" Sabi ko at inabot yung bente sa unahan.
Duh! Eight lang naman pamasahe namin since estudyante kami. Inabot naman ulit yung sukli saaken. Ok awkward. Kinapa ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko kaya binuksan ko 'yung bag ko para doon 'yon ilagay. Mahirap na.
Kaso lang ng pagbukas ko ng bag bigla ko naman nakita yung pink na sobre? Eto ba yung sulat? Takte! Hindi ko na kasi pinakialaman yung gamit sa loob netong bag ko kasi wala namang kaming assignment.
Tumingin naman ako sa kaliwa at nahuli kong nakatingin 'tong si sungit sa loob ng bag ko pero umiwas din agad siya ng tingin. Chismoso din pala 'to. Inilagay ko na lang yung phone ko sa loob saka sinarado ulit 'yon.
Pero mayamaya lang biglang tumunog 'yung phone ko.
"Someone's calling baby" malaking sh*t!Dali-dali ko namang kinuha 'yung cellphone ko saka in-end yung call at nilagay sa silent mode 'yung phone ko.
Napansin ko naman na lahat sila lumingon saakun at binigyanako ng mapanghusgang look kaya yumuko naman ako dahil sa hiya.
Whaaaa!! Dapat pala nagtricycle na lang kami kahit nag-antay lang kami ng matagal ok lang. 'wag lang 'yung ganitong napapahiya ako.
Gusto ko na tuloy makipagpalitan ng pwesto dito kay sungit, kahiya talaga!
"Gusto mo dito ka na?" Biglang tanong ni sungit saakin kaya nabigla naman ako.
"Huh? Hindi na–" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo kaya dali-dali naman akong umusog para makaupo ulit siya. Baka mamaya masubsob siya. "Salamat" sabi ko saka isiniksik 'yung katawan ko paatras dito sa gilid.
Naramdaman ko namang umusog paunahan si sungit sa upuan at humarang saakin. Napatitig tuloy ako sakanya ng matagal.
OMG mga mare ang puso ko... Saluhin niyo! Ang gentleman naman neto. Ohh no no no! No! 'wag mong sabihing... Nagkaka-crush na ako sakanya?!
'yan na nga ba ang sinasabi ko ehh. Mabilis pa naman talaga akong mafall kapag napaka-gentleman tch. Pero hindi naman ako yung showie type hahahahaha magaling ako magtago 'no!
Magaling ako sa larong taguan ng feelings.
Malalit na kami sa school kaya pumara na ako. Tuloy-tuloy lang akong bumaba at hindi lumingon. Shacks kahiya talaga 'yon.
"Ate mauna na ako ha" sabi ni Pejay saka tumakbo papasok ng school kaya sinundan ko siya ng tingin at nahagip pa ng mata ko si Jellian.
Tinatawag ko siya sa pangalan kapag nagagalit o naiinis ako sakanya. Hindi ko na siya pinansin at nagkunwareng hindi siya nakita saka naglakad ng diretso.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...