⚛⚛⚛
JELLIAN
Habang nagsisiksikan kami dito sa isang gilid, napansin ko naman na parang hindi ko naririnig ang boses ni pards kaya nilingon ko siya sa gilid ko.
"Pards?" Tawag ko at bigla akong kinabahan ng makitang wala siya sa likod ko kaya hinanap siya ng mata ko sa mga nagsisiksikang tao.
Pero ng hindi ko mahanap, doon na ako nagsimulang kinabahan ng sobra kaya tinawag ko sina tita.
"Tita, nawawala po si pards" nag-aalala kong sabi kaya bigla rin silang nataranta.
"Huh? Jusko" sabi ni tita at naibigay si Ian kay tito saka bumalik sa dinaanan namin kanina kaya sinamahan ko siya.
"Tawagan mo nga" utos ni tita kaya dali-dali ko namang tinawagan pero hindi naman nag-ri-ring.
Lagot na. Bumalik kami kina tito at nakita ko naman na may tinatawagan na si Allen.
"Iuwi mo na muna ang mga bata kami na bahala maghanap kay Czar" sabi ni tito kay tita kaya pumara naman siya ng tricycle para ihatid sina tita sa bahay nila.
Ayaw pa sana ni tita umalis pero inisip niya din 'yong tatlo kaya sabi niya balitaan na lang siya at naiiyak pa ngang umalis si tita.
"Anak anong nangyare?" Biglang dating ng tatay ni Allen saka hinanap ang kapatid ni Allen, at ng makitang ayos yung dalawa saka siya tumingin saamin.
"Si Czar po nawawala" nag-aalala rin na sabi ni Allen na halos maiyak na din.
Kahit ako naiiyak na kasi nag-aalala ako ng sobra kay pards.
"Ano? Teka tutulong na ako sa paghahanap saan niyo ba siya last na nakita?" Nagmamadaling sabi ng tatay ni Allen.
"Sa tabi ko po, jan sa gilid tapos bigla na lang po n-nawala" sabi ko.
"Tol maghiwalay tayo" sabi ni tito sa tatay ni Allen at mukhang naintindihan naman niya 'yong sinabi ni tito at pinasakay sina Allen sa kotse niya at kami naman ni sir at tito ang naghanap dito sa may mall at naghiwa-hiwalay kami para mabilis ang paghahanap.
Lakad takbo ang ginagawa ko at pinupuntahan ang bawat sulok ng lugar na 'to na pwedeng puntahan ni pards pero wala, kaya napahinto naman ako sa isang gilid at nahilamos ko ang mukha ko para pigilan na rin umiyak.
Hindi, sana naman hindi siya kinuha, hindi pwede. Alam ko estado ng buhay nina tita noon dahil na kwento ni pards saakin 'yon at natatakot ako na humantong na bigla na lang sila umalis ohh may kunin isa sa pamilya ni pards. Hindi pwede 'yon tangina naman! Deserve nila ang tahimik na buhay hindi ang magulo!
Nagpatuloy ulit ako sa paghahanap kahit bigla na lang tumulo ang luha ko sa kana na mata kaya agad ko 'yong pinunasan at tumakbo sa kung saan.
ALLEN
"It won't gonna happen" bulong ni daddy.
Pang ilan na niya 'yang sinasabi at naguguhuluhan na talaga ako.
"What do you mean daddy?" Tanong ni Katrina kaya bigla siyang napatingin sa rear mirror para makita kaming dalawa.
"Mabuti pa i-uwi ko na muna kayong dalawa sa bahay, ako na bahala maghanap kay Czar" sabi ni daddy at iniliko ang sasakyan papunta sa bahay namin.
Pero nung nasa harap na kami ng bahay ng makababa si Katrina nagmatigas ako.
"Daddy, sasama ako"
"No–"
"Daddy kaibigan ko si Czar at hindi ako papayag na maghintay na lang dito" sabi ko kaya napabuntong hininga naman siya.
"Ok but mananatili ka sa likod ko alright?" Sabi niya kaya sunod-sunod naman akong tumango at saka ulit pinaandar ni daddy ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Подростковая литератураAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...