⚛⚛⚛
CZARIANNE
"Let us all welcome the representative of Mr. and Ms. intramurals of each section and grade level!" Sabi ng MC kaya pumunta naman kami sa unahan para sayawin yung tinuro saamin.
Araw na ng myerkules at this is it!!! Hahahahahaha rarampa na ang lola niyo! Ah nga pala tungkol kahapon panalo sina Allen kaya nagpa party yung coach nila, kami sana kasami ni Allen, pero 'yon nga nagkayayaan kaya umuwi na lang din kami.
Pero bago kami umalis, may binigay munang sulat si Allen saakin hahahaha sabi niya manonood daw siya ngayon kaya bigla akong nahiya at parang ayaw ko na tuloy kahapon pumunta ngayon, pero eto nandito pa rin ako.
Mayamaya lang natapos na namin 'yong sayaw kaya bumalik ako doon sa classroom na tinutuluyan namin at bigla kong nakasalubong si Lawrence saka niya ako inabutan ng tubig.
"Salamat" nakangiti kong sabi sakanya.
"Maupo ka na muna dito" sabi naman ni Marcus kaya naupo ako doon sa inuupuan niya kanina.
"May kailangan ka ba?" Tanong ni Lawrence saakin pero umiling lang ako sakanya kaya naupo siya sa tabi ko.
Wala si mistisong hilaw kasi may pinuntahan sandali, 'yong mga ugok niya namang kaibigan ayon tuwang-tuwang manood sa mga magagandang babae. Mga abnormal hahahahahaha.
"Pards!" Napalingon naman ako sa kanan ko ng marinig 'yon.
Nakita ko naman si mistisong hilaw na nakangiting tumatakbo papalapit saamin.
"Saan ka galing?" Tanong ko sakanya.
"Ehh yung mga bwisit na 'yon ginawa akong photographer, doon sa section namin" sabi niya kaya napatango na lang ako. "Ayy pards tignan mo nga 'to kung mabango" sabi niya sabay abot nung isang maliit na pabango.
Napatingin naman ako sakanya bago kumunot ang noo ko habang hawak ko yung pabango.
Tinignan ko din si Lawrence na nakakunot din ang noo habang nakatingin kay mistisong hilaw.
"Hoy mga pare bakit ganyan ang mukha niyo?" Lapit saamin nila Val
"Ewan ko dito sa dalawa, sabi ko kasi tignan nila kung mabango 'tong pabango" sabi ni mistisong hilaw at inagaw saakin yung pabango.
Kinuha naman ni Val yung pabango sa kamay niya at pare-pareho rin silang napakunot ang noo.
"Pft hahahaha" tawa ni Renzo saka tumingin kay Zendel at napakunot muna ang noo ni Zendel bago tumawa din at kinalabit niya naman si Leonardo saka tumawa din hanggang sa tumatawa na silang lahat pwera saaming tatlo nina Lawrence.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ayan hahahaha sa sobrang katalinuhan mo Czar lutang ka na naman hahahahaha at ikaw naman hahahaha Jellian ang bobo mo hahaha" natatawang sabi ni Val saka binatukan si mistisong hilaw.
"Bakit? Hahahaha bakit kayo tumatawa?" Natatawa niyang sabi.
Eto yung walang alam pero tumatawa hahahahahaha ang galing.
"Uulitin ko yung sinabi ni Jellian para sa 'yo pft hahahaha" sabi naman ni Renzon at napahawak pa sa tiyan niya. "Tignan mo nga 'to kung mabango pft hahahahahaha" dadgdag niya at inabot saakin yung pabango pero hindi ko pa rin gets.
Nagtawanan naman sila lalo habang ako napapakamot pa sa leeg at iniisip kung anong nakakatawa doon.
Tignan mo nga kung mabango. Pinaulit-ulit ko 'yon sa utak at bigla na lang ako napahalakhak at kasabay no'n tumawa rin si Lawrence at napailing-iling ng mapagtanto ang ibig nilang sabihin.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
JugendliteraturAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...