⚛⚛⚛
CZARIANNE
"Hep hep hep hep!" Biglang pasok ni sir.
"Horay! Horay! Horay! Horay!" Sabay-sabay nilang sabi habang nakataas pa ang kamay kaya 'yon tubig na iniinom ko muntik ko pa maibuga.
"Mga salbahe kayo hahahaha" sabi ko kaya tumawa naman sila.
"Err! Mga maloloko pa rin talaga kayo. Pero ano 'yon? Ano 'yong narinig ko? Another contest?" Mataray niyang sabi.
"Oo naman sir!"
"Alam 'yan ng magulang niyo?" Tanong niya ulit.
"Ayy syempre naman Sir, 'yon ang sabi mo saamin ehh, bago mag apply magpaalam muna sa magulang diba pards?" Sabi ni mistisong hilaw kaya tumango naman ako.
"Kailan ang audition?" Tanong ulit ni sir.
"Next saturday sir" sagot ni Val.
"Need help–"
"Ayygho Sir, hindi na"
"Kaya na namen 'to sir"
"Oo nga sir"
"Kami pa ba sir"
"Kayang-kaya namen 'to oo"
Sabay-sabay nameng sabi kaya tumawa naman si Sir.
"Tsaka Sir yung mga perang napapanalunan namin ehh 'yon ang ginagamit namin pambili ng costume Sir kaya ayos na kami dito" sabi ni mistisong hilaw.
Tama siya, ako lang taga tago nila ng pera hahahaha wala daw silang tiwala sa sarili nila ehh hahahahaha parang mga abmormal.
"May naisip na ba kayong bagong steps?" Tanong ko naman.
"Ayy meron na Czar," sabi ni Zendel. "pero sabi namin mas mabuting ikaw naman ang gumawa ngayon, kasi gusto naman namin na makaranas ng pambabaeng sayaw 'yong galawan mo ba, hindi mo kami natuturuan ng mga astigin mong sayaw ehh" sabi niya.
"Talaga? Sige ba hahahaha kailan tayo magsisimula?" Tanong ko.
"Kung kailan hindi ka na busy or kaya pagod" sabi ni Val.
"Ngayon na, wala na naman kaming lesson mamaya diba sir?" Sabi ko at nilingon si sir.
"Oo, pero sigurado ka? Baka pagod ka na ha magpahinga ka na muna" sabi ni sir.
"Kaya ko Sir, ako pa ba" sabi ko.
"Sige pero pagpahingahin niyo muna ng isang oras si Czar ha, sige maiwan ko muna kayo babalik ako mamaya" sabi niya kaya napaalam naman kami sakanila.
Nagpahinga naman ako ng isang oras gaya ng sabi ni sir at inabutan din ako ng vitamins ni Allen para hindi ako sakitin.
Mahirap nga ang ginagawa ko pero nag-e-enjoy naman ako. 'yon pagsuot ng takong masakit na sa paa, yung may lagay na libro ang ulo ko nakakangalay pero ayos lang, gusto ko 'yo ehh.
Medyo naayos na din ang paglalakad ko at medyo straight na din ang pagtayo at upo ko hindi gaya ng dati na p'wede akong kumuba.
Lumipas ang isang oras at ginugol na namin sa pagsasayaw ang apat na oras at may idinagdag na lang namin yung ibang sayaw namin at kalahati lang ang ipinalit namin.
Si Justine ang nag-eedit ng music namin at kaming lahat ang naghahanap ng costume namin, at minsan pinapa-design-an na lang namin sa burdahan ng mga damit.
Lumipas ang ilang oras at nabuo agad namen ang sayaw at nakakatuwang naturuan ko sila ng mga steps ko, madali talaga nilang makuha lahat ng steps, 'yon ang pinakamaganda saamin ehh madaling makakuha ng mga steps.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Novela JuvenilAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...