CHAPTER 26

238 28 0
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

Lunes na at nandito ako sa bahay walang magawa. Wala si mama at papa, nasa trabaho tsaka mamaya pa ang pasok namin na alas dose.

Ano kaya ang magawa ngayon?

Ayy matawagan nga si pards pagtripan natin hahahahahahahaha.

Sinalpak ko naman yung isa kong sim card na hindi niya alam pero nakasave 'tong number ko sa cellphone niya at nilagyan ko ng pangalan na 'love' at doon ko siya balak tawagan kaso lang biglang may tumawag kaya sinagot ko naman agad.

Nung isang araw ko lang 'to nabili hahahahahaha at pagtitripan ko ngayon si pards hahahahahahaha.

"Ohh bakit?" Sagot ko sa tawag ni Val

"Wala naman hahahaha" sabi niya

"Tarantado ka wala naman palang sasabihin ehh bakit ka tumawag? Sabihin mo na 'tol namiss mo ko 'no?" Biro ko.

"Yuck mandiri ka nga! Tangina bakla ka ba tol ha hahahaha" natatawa niyang sabi sa kabilang linya.

"Ewan ko sa 'yo, wala ka ring magawa ano? Sige na at tatawagan ko si pards at pagtitripan ko" sabi ko at papatayin ko na sana yung tawag ng pigilan niya ako.

"Oyy teka lang!"

"Bakit ba? Hindi pa kasi sabihing 'tol namiss kita i lab you' ikaw ang hina mo talaga tch tch tch" pang-aasar ko sakanya.

Kahit ako nandidiri sa mga pinagsasasabi ko bwahahahahahaha.

"Taena mo Jellian! Pakyu ka tol!" Sabi niya.

"Hahahahahaha ohh bakit ano nga? Istorbo ka naman ehh" sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Sali mo kami jan sa kalokohan mo hahahaha wala rin akong magawa ehh" sabi niya kaya napaisip ako.

"Sige. Sige gagawa ako ng gc natin tapos video call tayo tas pagtripan natin si pards hahahahaha" sabi ko.

CZARIANNE

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at tutok na tutok sa pinapanood kong k-drama ng biglang sumigaw si Pejay mula sa loob ng kwarto ko.

"Oyy ate may tumatawag sa 'yo! Sino 'tong love?" Nakakunot na noo niyang sabi kaya kumunot din ang noo ko at agad na inagaw sakanya yung phone ko. "Ikaw ahh may love love ka ng nalalaman jan ahh, isusumbong kita kay papa" dagdag niya.

"Hoy! Anong... hindi... sinong... hindi ko nga kilala 'to!" Depensa ko sa sarili ko at hindi sinagot yung tawag sabay upo ulit sa sofa.

"Luh luh luh luh! Bakit hindi mo sinagot–"

"Ehh kung sinagot ko sasabihin mong jowa ko nga! Gaga ka wala nga akong jowa!" Depensa ko ulit at kinakabahan talaga ako ng sobra.

Hindi ko talaga kilala 'yon tsaka kailan pa ako naglagay ng pangalan na love sa contact list ko? Tsaka sino naglagay no'n dito?

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at nakakunot na noo na tinitigan 'yon at bigla uling tumawag.

Tumingin naman ako kay Pejay na may pang-asar na mukha na ngayon na nakatingin saakin saka ko ulit binalik ang tingin sa cellphone.

Aishh! Kung sino ka mang bwisit ka tubuan ka sana ng buni sa pwet!

Inis ko naman sinagot 'yon at nilagay pa sa loud speaker at agad na tumayo saka ako nagsalita

"Taena kung sino ka mang tarantado ka tigil-tigilan mo ako at baka kapag nalaman ko kung sino ka masasapak talaga kita!" Inis kong sabi at napatayo pa.

"Love naman ako 'to hindi mo ba na i-save 'tong number ko?" Malambing niyang sabi kaya mas nagsalubong ang mga kilay ko.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon