⚛⚛⚛
CZARIANNE
Malim na ang gabi ng biglang umulan at pauwi na kami, nakauwi naman kami ng maayos kaso lang bigla na lang may kinailangan si mama at bigla akong nakapansin sakanya.
Buntis ba si mama? 'Yan ang tanong na pumasok sa utak ko kasi biglang humingi ng mangga, gabing-gabi magma-manga?
"Ayy papa samahan na kita bibili din ako ng ballpen" sabi ko kaya naglakad naman kami ni papa palabas ulit ng subdivision namin papunta sa supermarket.
Nang makabili na kami, naglalakad ulit kami pabalik at inaasar pa ako ni papa ng kung ano-ano pero papatawid na sana kami ng bigla na lang may isang mabilis na truck ang papalapit kaya napatingin ako kay papa na nasa kalsada na kaya tumakbo ako papalapit kay papa para sana itulak siya ng biglang...
*Blaagggg*
Minulat ko naman ang mata ko at blur na lahat ng nakikita ko, ramdam ko rin ang pagpatak ng ulan sa katawan ko. Nakita ko naman si papa na nakahiga din sa kalsada at nakita ko ang dugo sa may ulo niya pero nanghihina na talaga ako.
Pero bago ako mawalan ng malay naramdaman kong may tubig o dugo na dumadaloy sa may ulo ko at may isang imahe ng lalake ang nakatayo sa harap namin bago ako tuluyan na akong pumikit.
JELLIAN
Kinabukasan, araw na ng lunes at tanghali na at balak ko na sanang puntahan si pards sa bahay nila ng bigla na lang may tumawag.
"A-anak" sabi ni mama sa kabilang linya.
"Ma bakit ho?" Sabi ko at nakunot na ng noo ko.
"S-si C-czarrianne... n-nasa h-hospital–"
"Ano!? Ma saang hospital ba 'yan!? Pupuntahan ko siya" natataranta kong sabi at tumakbo pabalik pero napabalik ako ng maalala ang mga kapatid ni Czar kaya tumakbo na ako papasok ng bahay nila at nakita ko namang may isang lalake ang nagbabantay sakanila doon.
"Sino ka?" Tanong ko.
"They're safe with me" sabi niya at pinakita saakin ang ID niya at ng makita kong sundalo siya agad akong tumango sakanya at akong tumakbo papunta sa hospital na sabi ni mama.
Kagat-kagat ko na ang labi ko habang nakasakay sa tricycle at pinipigilang 'wag umiyak. Anong nangyare?
Agad naman akong tumakbo papasok ng hospital ng huminto ang tricycle.
"Czarianne Mendioro, nurse" sabi ko sa nurse na nakabantay.
"She's still in the ER sir" sabi niya kaya tumakbo naman ako papunta doon at naabutan ko si tita na umiiyak.
"Tita... tita si Czar?" Sabi ko habang hinihingal.
"N-n-nasa loob p-pa pati ang tatay niya" sabi niya at umiyak ulit kaya umupo ako sa tabi niya at siya namang pagdating ni mama at papa.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya nangingig naman ang kamay ko ng kunin ko 'yon saka sinagot.
"Tol nasaan ka na?" Tanong ni Val mula sa kabilang linya.
"N-nasa hospital–"
"Ano!? Hala bakit!? Saang hospita!?" Gulat niyang sabi at doon na ako tuluyang umiyak.
"Si p-p-pards" umiiyak kong sabi.
"Tol teka lang pupunta kami jan sabihin mo kung saan" sabi niya kaya dahil wala na ako sa sarili naisabi ko sakanila ang hospital na pinagdalhan kina pards.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Roman pour AdolescentsAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...