CHAPTER 16

303 28 0
                                    

⚛⚛⚛

Continuation of Flashback...

ALLEN

It's friday, I wonder if she read it?

"Kuya bayad po!" Abot nung isang babae sa bayad niya.

Heto nga at umuwi muna ako sa bahay kasi may nakalimutan akong dalhin kanina para sa gagawin naming activity.

So eto pabalik na ako sa school at nag-commute na lang ako, mommy taught us to be independent. Hindi porket mayaman kami makukuha namin lahat ng gusto namin ni Katrina.

Our parents is very strict to us at lumaki kaming disiplinado pero... hindi na sila magkasama ngayon.

Huminto naman ang jeep kaya napalingon naman ako sa sasakay... at bigla na namang parang baliw ang puso ko sa bilis ng tibok no'n.

Si Czarianne. Tumingin din siya saakin bago sumakay ang kaso nga lang biglang umandar yung jeep nung papaupo pa lang siya kaya gumalaw naman 'yung kamay ko para pigilan siyang hindi masubsob. Gusto ko sanang pagsabihan yung driver pero hindi ko na nagawa kasi puro pa naman matatanda ang nandito, baka sabihin ang bastos kong bata.

Inalis ko naman agad 'yung kamay ko sa tiyan niya ng makitang nakatingin siya doon. Sh*t! That's embarrassing. Umupo naman siya sa tabi ko kasi 'yon na lang ang bakante. Mayanaya, napatingin naman ako ng 'di sadya sa loob ng bag niya at napangiti ako ng makita 'yung sulat ko.

Halata naman sa mukha niya ang gulat. So that means she did not read it yet? But that's ok. Napaiwas naman ako ng tingin ng tignan niya ako.

"Someone's calling baby"

Napalingon ulit ako sakanya ng marinig 'yon. Ok that's more embarrassing. Agad naman niya 'yon pinatay saka yumuko.

"Gusto mo dito ka na?" Tanong ko sakanya.

Yung mga pasahero kasi tinitignan siya ng mapanghusga and I don't want that kind of behaviour. We are sorrounded by a judgemental people.

"Huh? Hindi na–" agad naman akong tumayo para hindi na siya makatanggi.

Gumilid naman siya kaya naupo ako doon sa pwesto niya, hinarang ko din yung sarili ko sakanya kasi I i really feel her embarrassment. Tumingin naman ako doon sa kasama niya at nakita ko kung gaano nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin.

Ehh? I bet he's her brother. Hindi sila magkamukha but you can say that they are sibling, I think because of the eyes.

Mayamaya lang bumaba na sila at dali-dali siyang bumaba kaya natawa na lang ako ng mahina. Uusog na sana ako ng bigla kong makita ang isang panyo. Sakanya ata 'to, nakita ko naman na may nakalagay sa may laylayan kaya tinignan ko 'yon.

'Czar'

Sakanya nga 'to. Tinago ko naman yun para isauli sakanya sa susunod na magkita kami.


Kinabukasan, Tito said na may darating daw siyang mga bisita sa bahay niya at sakto namang kada sabado at linggo talaga nandito kami ni Katrina, kaya sabi niya 'wag kaming pakalat-kalat, but suddenly when I got outside my room nagulat ako ng makita si Jellian.

Tito introduce me to them, si tito kasi ang trabaho niya ay dance instructor and he owns a modeling workshop. A company to be exact.

So sila pala 'yung tinuturuan ni tito? At akala ko sila lang na puro lalake pero...

"Allen!?" Rinig kong gulat na sabi ng isang pamilyar na boses.

Nagulat ako ng makita si Czarianne, at para na namang nagwawala ang puso ko.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon