CHAPTER 34

229 22 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Dumaan ang huwebes at byernes at yung dalawang araw na 'yan ay nag-practice pa rin kami kada hapon at nag-so-solo din akong magpractice sa bahay kada umaga at gabi para doon sa sinasabi ni sir na solo performance ko.

Madali ko lang naman nakabisado 'yong steps at yung iba, nagsabi ako kay sir na binago ko kasi medyo hindi ko nakukuha kahit anong slow mo ang gawin ko sa cellphone ko. At eto na nga sabado na!!!! Hindi nga yata ako nakatulog ng maayos dahil sa ka excited-an.

Wala pa nga pero kinakabahan na ako pero hindi pa naman yung sobra, tama lang.

"Excuse me" napagilid naman ako ng marinig ang boses na 'yon at nakita ko naman ang mukha ni Lovely na akala mo palaging handang makipagtarayan saakin.

Hindi ko naman na sana siya papansinin ng bigla niya akong hawakan sa braso kaya napatingin ulit ako sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

"You're just bothering me, I don't like you" sabi niya at tinarayan ako.

Bigla naman agad akong nainis sa sinabi niya kaya tinanggal ko naman ang kamay niya sa braso ko at hinarap siya.

"Ayos lang 'yan, kung ayaw mo saakin ganon din ako at hindi ko tinatanong kong gusto mo ako o hindi dahil alam ko namang hindi. At 'wag mo akong tatarayan kasi baka hindi mo kilala ang binabangga mo" nakangiti pero madiin kong sabi sakanya.

Nanggigil na ako sakanya kanina pa ehh. Ang laki-laki ng dadaanan niya ehh parang sinasadya niya yatang dumaan sa harap ko para pikunin ako ehh.

Kanina pa 'yang umaga naiinis na ako pero pinipigilan ko lang talaga kasi mabait akong tao.

(Mabait yarn?)

Oo naman mare!

(Wala akong pake)

Toinks-_-'

Tiinalikuran ko na siya at nilapitan sina mistisong hilaw saka ko inabot yung tubigan ko para uminom.

Break time namin at kasalukuyan kaming nagpapahinga, gaya pa rin ng dati sayaw doon sayaw dito ang ginagawa naming lahat.

Medyo sumakit ang likod ng tuhod ko kaya heto hinihilot ko muna. Sasayaw pa kami mamayang gabi ano ba 'wag ngayon!!!

"Ayos ka lang?" tabi saakin ni Allen habang nagpupunas ng pawis niya sa leeg.

"Ahh oo sumakit lang ng konti" sabi ko at tumango naman siya.

"Diba mamaya na yung performance ninyo?" tanong niya kaya tumango ulit ako.

Tatlong araw ko din 'tong hindi nakita at baka sabi ko busy din, pero nung makita ko siya kaninang umaga kasama si Justine bigla talaga akong naging masaya hahahahahaha.

"Oyy Czar, manonood kami mamaya sainyo ha!" biglang sulpot naman ni Justine sa harapan ko.

"Bahala kayo" sagot ko at tumayo ulit ng maayos.

"Magdadala ako ng banner tsaka ng mga audience para sumigaw lang ng go mga pangit!" sabi niya kaya binatukan ko siya.

At nakatangga din siya ng batok kay Allen saka kay mistisong hilaw.

"Pangit ka jan" sabi ko.

"Hahahahahahahaha biro lang naman-"

Naputol naman ang sasabihin niya ng biglang may sumulpot bigla harapan namen.

"Oww Allen, can you help me?" Sabi ni Lovely sabay hawak sa braso ni Allen kaya nagsalubong naman ang mga kilay ko habang nakatingin sa kamay niyang nakapulupot sa braso ni Allen.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon