EPILOGUE

459 26 0
                                    

7 years later....

JELLIAN

Makalipas ang ilang taon simula nung mawala si pards saamin pinilit naming bumangon at ipursige ang pag-aaral naming lahat, at heto na kami nakapagtapos na ng pag-aaral at may mga trabaho na pero hindi pa rin kami naghihiwa-hiwalay dahil bilang isang grupo dapat nagbubuklod buklod kami at hindi nag-iiwanan.

At gaya ng sabi ni pards sa iniwan niyang sulat saamin, lahat kami wala pang girlfriend.

"Guys! Ready na kayo? Naghihintay na ang fans niyo sa labas ready na kayo sa performance ninyo?" Sabi ng manager namin.

Walang iba kundi si Sir Joshua pa rin naman. Isa na kaming boy group ngayon kasama sina Allen, Justine, Lawrence, Mark Jade at ang iba pa. Sikat na kami ngayon at 'yon ang nakakatuwa dahil sa rami ng pagsubok na pinagdaanan namin, heto na kami ngayon. At isang tao lang ang nagpapalakas at nag-uudyok saamin na 'wag susuko.

At 'yon ay si pards, hay nakakamiss ang mga kadaldalan at kakulitan niya.

"Kung nandito sana si Czar 'no? Siguro mas masaya pa tayo ngayon" biglang sabi ni Val at ngumiti ng bahagya kaya napangiti din kami.

"Ayy syempre! Pero siguro masaya na naman si Czar ngayon para saatin at alam ko na masaya na din siya ngayon kung nasaan man siya ngayon" sabi naman ni Zendel.

"Nakakalungkot man pero gawin na natin 'to para kay Czar, lahat naman ng kanta at sayaw natin ay alay natin sakanya diba? Kaya gawin na natin 'to ng maipakita at iparinig sa buong mundo ang mga gawa natin" sabi naman ni Leonardo kaya tumango kaming lahat.

Yung huling sayaw din na itinuro saamen ni Czar ay ginamit at ginawan namin ng mosic video may part na masaya sa kanta at may part na malungkot.

"Kaya naten 'to!" Sabi ni Justine at inilahad ang kamay sa gitna.

"Kayanin!!!" Sabay-sabay namin sabi bago pumasok ng stage ng may ngiti sa mga labi.

Sa pagkadami-dami ng araw na ginugol nameni sa pagsasayaw nakakatuwa na naabot na nameng lahat ang gusto namin.

Wala man si pards sa tabi namen ngayon pero palagi namen siyang isinasama sa journey ng mga buhay namen magmula pa noon.

Magsimula ng grumaduate kami ng high school at college palagi siya ang bukang bibig namin at halos araw-araw isa saamin ang dumadalawa sakanya sa puntod niya para kamustahin at kausapin siya doon at hindi pa rin namin maiwasang umiyak tuwing pupunta kami sa puntod niya dahil sa labis na pagkamiss sakanya.

Ang pamilya ni Czar... 'yon naging maayos naman at nagkaroon ulit ng anak sina tita at babae na ang naging anak nila at pinangalan nila to ng Czarina, sinunod nila sa palayaw ni pards na 'Czar'. Kamukha nga siya ni pards kaya minsan etong mga kaibigan ko si Czarina na ang pinupuntahan kasi parang nakakasama na rin namin si pards.

Kayumanggi din siya at ewan, kuhang-kuha niya ang ugali ni Czar nung mga bata pa kami kaya natutuwa talaga ako sakanya.

"Tito Allen, Tito Jellian mga tito ko!!!" Masayang sigaw ni Czarina ng makita kaming lumabas sa Van na dala namin kaya niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Namiss mo kami?" Tanong ko at tumango naman siya at nagpakarga siya kay Allen.

Anim na taong gulang na siya at nag-aaral pa gaya nung kambal na nasa high school pa lang. Si Pejay nagtatrabaho na rin, artista yung baklang 'yon ehh, designer rin pero hindi talaga siya nagsusuot ng pangbabaeng damit.

Lahat kami dancer at singer pero may isa pa kaming trabaho, ang pagiging instructor. Si Czarina, tinuturuan din namin siyang sumayaw at gaya ng ate niya sobrang dali makakuha ng steps at sobrang galing din kahit sa murang edad niya.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon