⚛⚛⚛
CZARIANNE
Nang makaalis si ma'am, agad ko namang hinila 'yong upuan ko papunta doon sa kabilang row kasi doon ang pwesto ko sa susunod na subject.
"Miss pa bida ka talaga" rinig kong sabi ng isa kong kaklase kaya medyo bumagting ang tenga ko kaya masamako siyang tinignan. "Ohh bakit? totoo naman ahh" nakangising sabi niya kaya napikon ako.
"Alam mo ba ang sinasabi mo ha?" sabi ko sakanya at bahagyang lumapit sa pwesto niya. "Hindi pabida ang tawag doon. Kung ingit ka, mag-aral ka kasi ng mabuti. Hindi pabida ang tawag doon alam mo kung ano? Talino" mataray kong sabi sakanya
Hindi talaga kami nagkakasundo ng taong 'to at never kong makakasundo 'tong tarantadong kupal na 'to!
Palagi niya na lang akong binabadtrip at pinipikon, mapapagkamalan ko na talaga 'tong may gusto saakin.
"Alam ko, alam mo bang naiirita ako sa 'yo–"
"Hindi" putol ko sakanya at itinaas ko ag isang kilay ko sakanya. "Ate wala akong pake" dugtong ko sa sinasabi ko kaya nag-reack namana ng mga kaklase namin.
"Ohhh! Panis!"
Takot ako sakanya pero hindi ko na lang siya pwedeng hayaang pagsalitaan ako ng ganyan. Ano siya gold!?
"Oyy oyy oyy Jamie! ano 'yan ha" biglang pagitna ni Marcus saaming dalawa at nilayo niya saakin si Jamie.
"Ehh 'yan kasing pabidang secretary mo nakakairita" naiinis pero bahagyang nakangiti niyang sabi kaya naagaw niya ang atensyon ng ibang mga kaklase namin.
"Czar, 'wag mo ng papatulan tara na" biglang lapit saaken ni Trisha at Chie pero hindi ko sila pinansin at naglakad ulit palapit kay Jamie.
Namumuro na 'to ehh, tuwing ganito ang eksena umeepal siya. Imbis na magpasalamat na lang siya kase hindi sila nabawasan ng grade kanina ni ma'am ng dahil saakin.
"Bitawan mo siya" utos ko kay Marcus pero hindi niya ako sinunod.
Nanggigigil ako ehh.
"Czar, please" paki-usap niya saakin pero itinuon ko na lang ang pansin kay Jamie.
"Sige sabihin na nating pabida ako ehh ikaw ano?" nakangisi kong sabi at nilagay ang isa kong kamay sa bulsa ng palda ko.
"Isang gwapong nilalang" nakangiti niyang sabi kaya rinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase namin.
"Asa ka naman saan ba part? Kung makapagsabi ka ng pabida ako napatunayan mo na ba ha? Mabuti ako nagagamit sa tama ang utak eh ikaw?" Naiinis kong sabi at ngayon naman ngumiti siya at pinatabi si Marcus saka siya lumapit saakin.
Tiningala ko naman siya kasi matangkad siya. Oras ng klase naka jersey, ano 'to basketball court? Nakakairita siya!
"Oo napatunayan ko na" mahina niyang sabi at inilapit ang mukha saakin pero hindi ako lumayo.
Baka sabihing duwag ako ehh, duh! Hindi ako papatalo sa isang gugong na katulad niya! At akala naman niya magugustuhan ko siya–
"Bidang-bida ka sa puso ko, Czar" sabi niya at ngumiti ng napakalawak. "At ikaw nagagamit ang utak sa tama at ako? Ikaw lang kasi ang tama saakin ehh. Ako na lang please?" Dagdag niya pa saka kinabig ang bewang ko palapit sakanya kaya nagulat ako.
"Whoooo!"
"Kyaaa!"
"OMG!!"
"Gosh Czarianne, ang haba ng hair mo!"
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...