⚛⚛⚛
CZARIANNE
Habang naglalakad pauwi sa bahay, mukha namang lumilipad ang utak ko dahil sa lalaking 'yon kanina na nakabangga ko.
Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabing niyang 'yon? Sino ba siya? At ano ang kailangan niya saakin? Saamin?
Napabalik naman ako sa huwisyo ng bigla ko na lang marinig ang boses ni papa na parang galit kaya napatingin ako sa harap ko at nasa harap na pala ako ng bahay namin.
"Ano sa tingin mo ang gagawin ko ha?" Medyo may kalakasang sabi ni papa kaya napatakbo kaagad ako papasok sa bahay.
Nakita ko naman na magkaharap si mama at papa at umiiyak na si mama kaya napakunot naman ang noo. Nagitla naman ako ng biglang tabigin ni papa yung mababasaging baso kaya napatakbo ako sa kwarto at nagmadaling tinanggal ang dala kong bag at niyaya yung tatlo kong kapatid palabas ng bahay.
"Hindi natin pwedeng ibigay na lang ng basta sakanila ang gusto nila... hindi... hindi pwede" umiiyak na sabi ni mama pero hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi nila dahil dinala ko sa malayo na hindi maririnig ng mga kapatid ko ang away nila.
Dito kami sa may tindahan pumunta na medyo malayo sa bahay at doon tumambay. Napaupo naman ako sa upuan na gawa sa semento dito sa harap ng tindahan saka ko sinuklay ang buhok ko pataas dahil gulong-gulo na ang utak ko.
Yumuko din ako at naramdaman ko na lang na pumatak na ang luha ko. Mayamaya lang naramdam ko na lang na yumakap yung kambal saakin kaya pasimple ko namang pinunasan ang mata ko at tumingin sakanila.
"Kumain na kayo hmm?" Tanong ko at sinubukang 'wag pumiyok dahil nagbabadya pa rin ang mga luha ko.
"Opo ate" sagot ni Ivan kaya ngumiti at tumango naman ako sakanilang dalawa at pinaupo sila sa magkabila kong legs.
"Gusto ninyong lollipop?" Tanong ko. "Pejay bilhan mo nga, ohh" sabi ko at inabot sakanya 'yong natira kong pera dito sa bulsa ko.
"Ate, alam mo kanina may pumuntang nakaitim na mga lalake sa bahay" sabi bigla ni Ivan kaya napatingin naman ako sakanya.
"Talaga? Sino sila?" Tanong ko at inayos ang buhok niya na nakaharang na sa mata niya.
"Hindi ko po alam, pero kanina binigyan nila kami ng jelly ace hehehe" tuwang-tuwa niyang sabi kaya nginitian ko naman siya.
"Marami ba sila?" Tanong ko ulit.
"Opo ate! Tsaka may dala silang mga van ate! Ang gaganda!" Namamangha namang sabi ni Ian.
"Ohh nandito pala kayo mga anak" sabi ni Aleng Jing 'yong tindera netong tindahan.
Nginitian ko lang siya saka lumapit sakanya para magmano.
"Gusto niyo ba ng maiinom?" Tanong niya.
"Ahh hindi na po, tatambay lang ho kami dito sandali" sabi ko.
"Sigurado ka? Oh sige balik na ako sa loob"
"Salamat po" sabi ko at tumingin ulit sa unahan at napatulala ulit.
Wala ng pumapasok sa isip ko at talagang nakatulala lang ako sa kawalan at hindi ko na napapansin ang mga pinagsasabi netong kambal.
Pero mayamaya lang nagulat ako ng biglang may lumitaw na lalake sa harapan namin kaya dahil sa nagulat ako bigla kong nailayo yung kambal sakanya at mukhang nagulat din siya sa ginawa ko.
Tinignan ko naman siya sa mukha at ng makilala ko siya, agad naman akong humingi ng pasensya.
"Ayy hehehe pasensya na po nagulat lang" sabi ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...