Dedicated to KatrinaReyes793
⚛⚛⚛
CZARIANNE
Ang tagal naman ni mistisong hilaw. Nasaan na naman kaya 'yon, sabi niya kasi hintayin ko siya dito sa labasan nung school.
Nagpalinga-linga naman ako hanggang sa mapadako ang tingin ko doon sa hallway nung mall sa kabilang kalsada.
Yung lalaki 'yon nung isang gabi ahh. Anong ginagawa no'n dito?
(Ay tuleg, mall yun bhe diba? Mall!)
Ay oo nga pala hayaan na nga.
Mayamaya lang biglang may bumangga sa balikat ko kaya muntik na akong ma-out balance.
"Hala sorry po ate, sorry" Sabi niya.
"Ok lang" ngiting sabi ko.
"Ahh ate pwede magtanong?" Sabi niya at mukhang hindi alam kung saan pupunta.
"Sige lang"
"Saan po ba ang LCC mall dito ate? Kanina pa ako hanap nang hanap ehh" Sabi niya at parang may hinahanap.
Nakauniform din 'to ng pang-UI.
"Ahh ayon ohh" Sabi ko at tinuro yung mall sa kabilang kalsada.
Hindi kasi talaga makikita ang logo kasi nasa kabila. Tch pauso nung naglagay niyan jan baliktad rin ang ulo.
"Sige po salamat." Sabi niya. "Ahh ako nga po pala si Katrina, kayo po?" Tanong niya.
Ehh kailangan pa ba 'yon?
"Czarriane" nakangiting sabi ko.
"Sige po Ate Czar, thank you po ulit. Bye bye" nakangiting sabi niya saka tumawid ng kalsada.
Ang cute cute niya, mukhang nasa first year high school pa lang siya. At ang sarap pakinggan na tawagin na ate, ayy nako bakit kasi wala akong kapatid na babae.
Pero mabalik tayo kay mistisong hilaw, 'yong Jellian na 'yon masasapak ko na talaga 'yon, mainipin pa naman ako. Ilang minuto pa ang lumipas at mabuti naman dumating na.
"Ba't ang tagal mo?" Singhal ko sakanya.
"Ehh may kinausap pa ako eto naman" sabi niya. "Ohh" abot niya saakin nung isang maliit na paper bag.
"Ano na naman 'to?" Mataray kong tanong.
"Buksan mo na lang, ang daming tanong ehh" masungit niya din na sabi.
"Psh" binuksan ko naman at biglang nagningning ang mga mata ko ng makita ang laman.
Dairy milk! Shemayy! My favourite!!
"Whaaa thank you!" Sabi ko at niyugyog siya.
"Nagpapasalamat ka ba? O nananakit?" Sarkastiko niyang sabi.
"Ayy sorry, sorry" sabi ko at binitawan siya bago ko nilagay sa bag 'yung binigay niya. "Saan mo to binili?" Tanong ko.
"Galing akong mall diba?"
"Ayy oo nga pala, sorry naman eto may regla ka ba ngayon? Ang sungit sungit" natatawang sabi ko.
"'yan ayos na?" Sabi niya habang nakangiting malapad pero pilit.
"Mukha kang killer bwahahahahahaha" tawa ko.
"Hahahahaha nakakatawa" pekeng tawa niya at inunahan akong maglakad. Problema no'n.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Fiksi RemajaAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...