⚛⚛⚛
CZARIANNE
"Bakit kasama po silang lahat?" Tanong ko.
"Ehh sa bahay tayo mag-pa-practice" sagot ni sir. "Nga pala dadaan din natin tita mo, hindi rin sinasagot 'yung cellphone ehh. Parehas kayo" sabi niya.
"Pasensya na po, maraming po akong ginawa ehh" Sabi ko bago ako napasandal sa upuan.
Ngayon ko naramdaman ang pagod.
"Oyy pards trip daw nitong si Dave yung bra mo" biglang Sabi ni mistisong hilaw kaya lumingon ako sakanya.
"Alin do'n?" Tanong ko kaya natawa sila.
"Iyong pink daw doon" Sabi naman ni Lander.
"Tanga hindi saakin 'yon, sa kapitbahay 'yon wala akong pink na bra." Natatawa kong sabi kaya nagsitawanan ulit sila.
"Hindi ka ba na-a-awkward pag-usapan ang ganon, Czar?" Biglang tanong ni sir habang nagmamaneho.
"Hindi na po. At tsaka alam ko naman na hindi na 'yang mga 'yan inosente sa gano'ng bagay at alam ko din kung ano na naman ang mga nasa isip nila. Sanay na po ako sa ganyan" Sabi ko.
"One of the boys ka din 'no. Pero pusong babae ka pa rin naman?"
"Sos sir tomboy 'yan si pards, kung makasuntok nga parang bakal ang kamay" sabi ni mistisong hilaw.
"Tomboy ka jan, sapak gusto mo? Tingin mo lang 'yon" Sabi ko ng lingunin ko siya.
"Sige nga Jellian, sabihin mo kung bakit sa tingin mo tombs si Czar" Sabi ni sir.
"Eto sir ha. Una, parang lalake kung umupo, 'yung nakataas 'yong isang paa, minsan pareho pa nakataas" simula niya. "Sunod ay minsan, pansin ko para rin lalake kung mag-isip" dagdag niya.
"Bakit Jill, pano ba mag-isip tayong mga lalake?" Natatawang sabi ni Val.
"Hindi, gusto kong sabihin yung... ayy nako hirap i-explain basta 'yon" Sabi niya. "Basta boyish type" dagdag niya pa.
"Ayown. Boyish type hindi tomboy shunga" Sabi ko. "Saltik din utak mo 'no? Ikaw mukha kang bakla" asar ko sakanya.
"Sinong bakla? Ikaw Zendel?" Maang-maangan niyang sabi.
"Oyy hindi ako bakla pakita ko pa sa 'yo abs ko" depensa niya.
"Ahh si Val ang bakla" Sabi niya ulit.
"Bakla ka jan. Ipakita ko pa sa 'yo alaga ko" depensa naman niya kaya natawa kami.
"Ahh si Mark jade ata" Sabi niya naman. Eto ang daldal talaga.
"I'm not a gay" Sabi ni Mark Jade.
"Patunayan mo kung bakit" hamon naman ni mistisong hilaw sakanya.
"I like Czarianne" natigilan naman kaming lahat at napatingin sakanya.
"Bwahahahahahahahahahahahaha" biglang tawa ni sir kaya napaupo naman ako ng maayos saka dumaosdos ng konti sa kinauupuan ko.
Ok hindi ko inaasahan 'yon.
"Ahh hahahahahaha" tawa ni mistisong hilaw na nagulat din natigilan din.
"Ohh bakit bigla kayong natahimik? Natural naman talaga ang magkagusto kay Czar ahh, babae siya at hindi lalake hahahaha" natatawang sabi ni sir.
Ohh lupa! Lamunin mo na ako.
"Sinong may nagkakagusto sa pamangkin ko?" Nagulat naman ako ng makita si tita.
Nakahinto na pala kami.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...