CHAPTER 35

200 25 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Habang nagpapahinga ako dito sa sala kasi mayamaya maliligo na ako para makapunta agad doon sa venue kung saan gagawin yung contest, bigla ko namang naalala yung sulat kaya napaupo ako bigla.

Napakamot naman ako sa leeg at nahiga ulit, nakakamad tumayo at kailangan ko rin ng maraming energy para mamaya.

Pero mayamaya lang napatayo ulit ako at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob na ng kwarto at hinahalungkat 'yong bag kung saan nandoon 'yong sulat, nakita ko naman agad kaya binuksan ko 'yon saka naupo sa kama.

Hi Czar! I hope this letter help you to cheer you up on your performance later.
Give all your best, manalo man o matalo that's ok, atleast you did your best. And also don't presure yourself to much, enjoy your performance later. I'll be watching and I  know you can do it! Fighting!

Napangiti naman ako ng mabasa 'yon pero bigla din akong nagulat at nagtaka kung paano niya nalaman na may performance kami mamaya?

Agad ko namang binuksan yung isa pang sulat at agad 'yon binasa.

I know you're confused rigth now, and yes manonood ako mamaya and I want to formally introduce myself to you, kung paano ko nalaman yung event? That's because you said it to me remember? Alam kong nakalimutan mo na kasi sabi mo makakalimutin ka nga hahahaha. So that's all, I'll see you later. I'm really nervous rigth now but hope you still feel comfortable when you meet me and I i hope na walang magbago sa pagitan natin^_^

–Mr. Admirer

Natawa ulit ako ng mabasa 'to saka ko naalala na sinabi ko nga pala sakanya 'yung tungkol sa contest. Pero somehow biglang may isang taong pumasok sa isip ko na feeling ko siya 'tong nagpapadala saakin ng sulat.

"Ate! Maligo ka na tapos na 'yong thirty minutes mo na pahinga ohh" sabi ni Pejay pagpasok dito sa kwarto ko.

"Oo na maliligo na, may tubig pa ba sa banyo?" tanong ko.

"Meron na, ako na nag-igib kanina tsaka tapos na din lahat ng gagawin mo dito ha" sabi niya at pinalakihan pa ako ng mata.

"Oo na, sige alis na" sabi ko at lumabas naman siya kaya tinago ko na ulit 'yung sulat saka huminga ng malalim.

Napatingin naman ako sa damit na susuotin ko at ngayon ko lang napansin may nakalagay palang sulat sa likod non.

'Lodi'

'Yan ang nakalagay, 'yan yung sabi ni sir na group name namin.

Kaya mo 'to Czarianne, pinaganak kang maganda kaya dapat may confidence ka! Wala sa lahi niyo ang mahiyain, pabebe lang dapat ,wala kang hiya ngayong gabing 'to. Labarn!!

*****

"Pards 'lika nga dito" sabi ni mistisong hilaw habang nakatayo sa may sala namin kaya lumapit naman ako.

Kasama niya si tita at tito at isasama na raw ako papunta doon, sina mama kasi susunod na lang raw kasi hihintayin pa nila si papa.

"Talikod" utos niya kaya tumalikod naman ako sakanya.

Naramdaman ko naman na ibinaba niya yung crop top kong itim sa likod, inayos niya din yung nakatali kong buhok at hiningi yung hawak na gel ni Pejay at nilagyan ang palibot ng buhok ko.

Marami kasi akong baby hair kaya ayan pinalagyan ni mama, si mama din ang nag ipit sa buhok ko kaya sobrang ayos hahahaha.

Hinarap naman ako ni mistisong hilaw sakanya at tinignan ako mula ulo at tumigil sa may tyan ko.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon