⚛⚛⚛
CZARRIANE
"Where are we going?" tanong ko sa lalaking ka-holding hands ko.
"I'll intruduce you to my friends yeobo" nakangiti niyang sabi.
Hmmm! ang pogi talaga ng boyfriend ko.
"Ahh ouch!" daing ko ng makagat ko ang ibabang labi ko.
"What's wrong? Are you ok? let me see" nag-aalala niyang sabi saka inilapit ang mukha saaakin bago niya hinawakan ang baba ko para makita niya. "Let me wipe that" sabi niya at kinuha ang panyo niya saka dahan-dahang pinunasan 'yung dugo sa labi ko.
Napatitig naman ako sa kanyan ng matagal. Ang pogi talaga neto oo! Kyaaaaa! ang swerte ko.
*Tsup*
Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ang labi ko.
"Does it still hurt?" sabi niya at ngumiti ng napakatamis.
Kyaaaaa! kalaglag panty omg!!! tumango naman ulit ako. Unti-unti at dahan-dahan niya namang inilapit ang mukha saaken.
Ipinulupot niya ang kanan niyang braso sa bewang ko at inilapit sa katawan niya. Pumikit naman ako at inintay na maglapat ang mga labi namin nang biglang...
"Ate gising na!! ate!" napamulat naman agad ako ng marinig ang malakas na sigaw na 'yon. "Hay sa wakas nagising din ang sleeping beauty. Bangon na jan ate nanaginip ka lang" sabi ni Pejay bago lumabas na sa kwarto ko.
Napapikit naman ulit ako dahil sa inis. Sinubukan ko uling matulog para matuloy yung panaginip ko pero hindi na ako nakatulog.
Naiinis naman akong umupo sa kama saka kinamot ang ulo ko. Bwisit! 'yon na 'yon ehh! Sa panaginip ko na nga ang nararanasang makasama at makita si Jungkook umeepal pa sila whaaaaaa huhuhuhuhu!
Ginalaw-galaaw ko naman 'yung dalawang paa ko na parang batang nagta-tantrums.
"Aishhh!" inis kong sabi bago ko tinanggal yung kumot sa katawan ko saka ako bumaba na ng kama.
Sa susunod talaga maglalagay na ako ng takip sa tenga. Pumunta naman ako sa banyo at naghilamos saka nagmumug tapos bumalik ulit sa kwarto para ayusin yung hinigaan ko.
Hindi na ako nagsuklay at basta na lang inipit ang uhok ko gamit yung clip. Araw ng sabado kaya marami akong gagawin, pero bago 'yon kumain na muna ako.
Wala ng kape-kape, kain agad! Pagkatapos, naghugas ako ng pinggan, pagkatapos maghugas, nag-igib kami ng tubig, tapos pinaliguan yung kambal kong kapatid, tapos nagsaing at nagbabad ng mga lalabhan na damit saka naligo.
Madaling i-kwento pero mahirap gawin 'yan nang sunod-sunod at asahan niyong beast mode ako mamaya.
Si mama ang naglalaba kaya pumasok ako sa kwarto ko at nagwalis doon saka ako pumasok sa kwarto nung tatlo. Winalisan ko din 'yung sala at kusina tapos magmo-mop na ako ng sahig.
General cleaning time. Inuna ko 'yung mga kwarto namen sunod yung sala at last yung kusina. Halos thirty minutes ko 'yung ginawa.
"Opppss!" sabi ko. "Malinis ang mga paa niyo?" tanng ko sa tatlo kong pinsan na papasok ng bahay.
Tinignan ko naman mga paa nila at ng makita kong malinis tumalikod na ako at pumasok sa kwarto nila Pejay. Napabuntong hininga naman ako ng makita kung gaano kakalat.
PEJAY
"Dapat araw-araw mo 'tong inayos, hindi yung parang babahayan na ng ahas ang damitan na 'to. Etong mga sapatos, tapon dito tapon doon, may tamang lagayan hindi ilagay at itago ng maayos. 'Yang mga gamit mo pakalat-kalat hindi baga ayusin ng maayos, 'yung bag nakakalat hindi baga labhan na ng maging malinis. Jusko basurahan ba 'tong kwarto niyo Pejay ha?" at heto na naman po tayo.
BINABASA MO ANG
Miss Super High Standars (Season 1)
Teen FictionAng babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what if her peaceful and happy life turned to a complicated situation? Is she be able to make her dreams...