CHAPTER 30

231 24 0
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

"Pardssssss!!!" Sigaw ko ng makita ko si pards mula dito sa court.

Pero tulala lang siya habang nakalagay ang kamay sa may baba at malalim ang iniisip.

"Nangyare doon?" Tanong ko sa sarili ko kaya napagdisesisyonan ko na lapitan siya kay atumakbo ako pataas ng building kung nasaan siya.

"Oyy Je-" sinenyasan ko naman si Chie na 'wag maingay kaya tumango-tango lang siya.

Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa likuran ni pards para gulatin siya.

"Hoy pards! Anong iniisip mo?" Sabi ko ng sinundot ko dalawang bewang niya.

"Pukengina Jellian!" Sigaw niya saka biglang tinakpan ang bibig.

"Hahahahahahahaha 'anyare sa 'yo?" Tumatawa kong sabi bago tumabi sakanya.

"Si mama kasi" sabi niya bago ngumuso.

Pft nagpacute pa hahahahahaha.

"Bakit? Anong nangyare?" Nakangiti kong tanong kasi ang ganda niya pa rin kahit nakabusangot hahahahaha.

"Nakita yung mga sulat" sabi niya bago niya tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya saka pinagpapadyak ang dalawang paa.

"Kabayo ka ba? Pft hahahahahaha. Pero ano sabi mo? Yung sulat? As in yung sulat na kinukuha mo jan sa may printing shop?" Seryoso kong tanong.

"Hmmm" sagot niya bago tinanggal ang kamay sa mukha niya saka siya tumango-tango.

"Patay" Sabi ko at napahawak sa bibig gamit ang isang kamay pero tinanggal ko rin. "Ohh ehh ano na ngayon? Pinagalitan ka ba? Anong nangyare? Papalayasin ka na ba- aray!" Sabi ko.

"Grabe ka naman sa papalayasin!" Sabi niya saka tumawa pero bumalik ulit sa pagbusangot. "Hindi! Nakakahiya tae! Hindi daw siya galit pero nakakahiya!" Sabi niya at hinawakan ang kwelyo ko at niyugyog ako.

"A-a-aray pardss! Nahihilo ako" sabi ko at napapikit habang niyuyogyog niya pa rin ako.

"Whaaaaaa! Anong gagawin ko?" Sabi niya at sa wakas binitawan niya na ako.

Pumikit ulit ako at dumilat para matanggal yung hilo ko. Tae masakit sa ulo! Inayos ko naman yung kwelyo ko pero nagulat ulit ako ng hawakan niya ulit ako at yugyogin ulit.

"P-pards t-teka lang aray ko, hoy nahihilo na ako" sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay niya sa kwelyo ko.

"Kasi naman ihh! Sabihin mo ano gagawin ko!?" Naghe-hysterical niyang sabi at binitawan ulit ang kwelyo ko bago tumalikod saakin.

Napasandal naman ako sa poste sa tabi ko saka nagpadausdos pababa dahil gusto kong humiga dahil nahihilo ako.

"Mistisong hilaw? Asan-hoy tumayo ka jan-" hinarang ko naman ang kamay ko sa mukha niya para pigilan siyang hawakan ako.

"Pards... teka lang... nahihilo ako p-pwedeng wait lang ha? Nahihilo ako" parang lasing kong sabi habang nakayuko.

"Napaano ka?" Tanong niya.

Abnormal ka nga, hindi mo alam ang ginagawa mo saaking abnormal kang babae ka. Pasalamat ka kaibigan kita.

"Ano na nga ngayon ang gagawin mo?" medyo nahihilo ko pang tanong sakanya nago tumayo at inalalayan niya naman ako.

"Ewan ko" sabi niya at bumusangot.

Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Siguro hindi muna ako magsusulat pabalik doon" sabi niya at sumandal din dito sa pader.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon