CHAPTER 44

194 19 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Kinagabihan, habang naglalakad kami ni Pejay papuntang sakanyan ng tricycle, bigla namang may nahagip ang mata ko sa isang gilid na napapaligiran ng dalawang lalake at mukhang pamilyar saakin ang mukha kaya lumapit ako.

"Hoy, ate" sita saakin ni Pejay pero sinenyasan ko siyang teka lang.

"Hoy ano 'yan? Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko?" Tanong ko sabay hawak sa kamay ni Bella.

Siya 'yung babae na nakita ko sa mall na pinagkakaisahan nina Chloe.

"Arianne" sabi niya.

"Sino sila?" Tanong ko sakanya.

"K-klase ko, hayaan mo na lang sila–"

"Hindi, hindi pwedeng nabubully ka na lang palagi" putol ko sa sinasabi niya. "Hoy kayo kalalaki niyong tao pumapatol kayo sa babae, ano kayo mga bakla ha? Marunong ba kayong rumespeto?" Sabi ko doon sa dalawa kaya sinamaan lang nila ako ng tingin.

"Anong meron?" Biglang sulpot ni Allen sa harapan ko kaya nagulat ako.

"Alis na tayo pre, wala rin naman palang silbi ang babeng 'to ehh" sabi nung isa sa dalawang lalaki saka hinila ang kasama niya.

"'Wag na kayong lalapit kay Bella ha! Sasapakin ko kayo!" Sigaw ko sakanila.

"Salamat, Arianne" nakangiting sabi ni Bella kaya nginitian ko lang siya saka tinignan si Allen.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Papunta sana ako doon sa hardware hehehe for may project" sabi niya kaya napatango na lang ako.

"Sino siya, Arianne?" Bulong ni Bella.

"Si Allen kaibigan ko, nga pala Allen si Bella" pakilala ko kay Bella sakanya.

"Hi" sabi niya at mabilis lang tinignan si Bella at binalik din saakin ang tingin. "Uuwi na kayo?" Tanong niya.

"Hmmm sige na pumunta ka na doon, uuwi na din kami" nakangiti kong sabi at ngumiti lang siya saakin.

"Hintayin ko na kayong makaalis baka bumalik 'yong dalawang 'yon, sige na" sabi niya kaya naglakad naman kami papunta sa pilahan ng tricycle.

"Saan ka ba umuuwi Bella?" Tanong ko sakanya.

"Sasakay din ako jan sa may tricycle-lan, sabay na tayo" sabi niya.

"Sige ba" nakangiti kong sabi saka siya inakbayan hanggang makasakay kaming tatlo sa tricycle.

"See you tomorrow Czar, ingat" nakangiting sabi ni Allen at kumaway saakim.

"Bye" sabi ko rin sakanya bago siya umalis at pumasok doon sa hardware.

Nasa loob kaming dalawa ni Bella at nasa may driver si Pejay nakasakay at nag-aantay pa ng isang pasahero bago lumarga.

"Ang bait naman no'n" sabi ni Bella saakin kaya napangiti ako.

"Hmm ganyan talaga siya" sabi ko.

"Gusto ka no'n pustahan tayo" sabi niya at tumawa na lang ako.

Mayamaya lang nakita ko naman ang isa niyang notebook at nahagip ko yung mga nakasulat kasi biglang humangin.

"Ano laman niyan?" Tanong ko habang nakaturo sa notebook niya.

"Ahhh kasi... dito ako nagsusulat ng... ng story" nahihiya niyang sabi sabay tago no'n.

"Story? Oyy mahilig akong magbasa ng storya, sa isang app doon ako nagbabasa ng novel pwede ko makita?" Tanong ko sakanya.

"Sigurado ka? Feeling ko hindi naman maganda ehh–"

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon