CHAPTER 15

306 29 0
                                    

⚛⚛⚛

Continuation of Flashback...

ALLEN

"Ganon?" Sabi ko at nakangiting pinagmasdan 'yon.

"Hmm. Hindi niya gagawin 'yan kung hindi" Sabi niya. "Mauna na ako sainyo, tawagan niyo na lang ulit ako" sabi niya at tinapik kami sa balikat.

"Salamat 'tol" Sabi ni Justine.

"Salamat" Sabi ko.

Pagka alis niya agad ko namang binuksan 'yon at iningatan ko na 'wag mapunit.

"Pabasa" Sabi ni Justine pero nilayo ko 'yon sakanya. "Psh. Pabasa lang naman, damot neto." Sabi niya saka gumilid at hinayaan akong basahin 'yon.

Nakangiti ko namang binuklat yung bond paper na maliit, ang ganda ng pagkakagawa niya at may mga design pa.

"Hahaha" tawa ko dahil tuwang-tuwa talaga ako.

"Ayy hahahahahahaha nag-blush ang putek. Kinikilig ka tol ha? Hahahaha t*ngina lakas ng tama mo" asar ni Justine saakin. Hindi ko naman siya pinansin at binasa na 'yung sulat.

Hello^_^! Hahahaha hindi talaga ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala but natuwa ako dito sa sulat mo hahaha. At hindi naman siya weird, itong sulat mo I mean. Nagkita na ba tayo? Grabe ka maka I like you ha hahaha, joke ba 'yon o seryoso ka? Ang yes, hindi talaga ako naghahanap ng jojowain paano mo nalaman 'yon? Ok I find your letter weird hahahaha 'di joke lang, curious lang. At oo naman pwedeng-pwede tayo maging friends, matino ka naman siguro, may trust issues ako kaya hindi ako madaling nagtiwala sa isang tao pero feel ko naman na matino ka talaga. Hindi raw stalker, wee 'di nga? Nagagandahan ka saakin 'no? Hahahahaha kapal ng mukha ko 'no, 'di biro lang ulit baka isipin mo baliw ako. Hahaha, so kung gusto mo pa akong makilala pwede kang magtanong at syempre ako magtatanong din tungkol sa'yo para fair ok ba 'yon? Have a great day Mr. Admirer^_^!

Natawa ako habang binabasa 'yung sulat niya. Halatang jolly siya kasama and I i think she really is not friendly kasi may trust issues daw siya, which is I respect. And kaya pala marami siyang tanong noong nagkita kami sa birthday party because of that, now I know.

"Ano tol balik na tayo? Tuwang-tuwa ka na jan ehh hindi mo ba alam na may pasok pa tayo diba" sabi ni Justine ng makitang binulsa ko na 'yung sulat.

"Wait lang may bibilhin muna ako, hintayin mo ako dito" sabi ko at dali-daling pumasok sa mall at hinanap yung store ng educational supply.

Ng mabili ko na 'yong kailangan ko bumalik na kami sa school at habang wala pa namang teacher namen nagsusulat na ako sa binili kong papel na may mga design, yung pang letter talaga.

"Suspended daw ang klase mamayang 3 pm" rinig kong sabi ni Ellie. "Ano 'yang ginagawa mo?" Tanong niya at dinungaw pa yung ginagawa ko pero tinakpan ko gamit ang kamay ko.

"Doon ka nga, ayoko ng storbo" sabi ko.

"Sos, para sasabihin mong gumagawa ako ng love letter di mo pa sabihin, psh uso pa ba 'yan ngayon?" Natatawang sabi niya at tinapik ako sa balikat.

He's my friend and we both players of soccer. Mabilis ko namang natapos ang sinusulat ko kaya tinago ko 'yon agad.

Time passed and it's already 3 pm.

"Tapos mo ng gawin yung letter?" Tanong saakin ni Justine.

"Oo bakit?" Sabi ko habang hinihintay 'yung kapatid ko pati na ang sundo namin.

"Dalhin kaya natin doon? Alam ko yung section ni Jellian. Ano?" Suggest niya kaya napaisip naman ako.

"Papasukin kaya tayo ng guard?" Tanong ko.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon