PROLOGUE

1.9K 89 1
                                    

PROLOGUE:

Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ng malaking lalaki ngunit masyadong mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin. Bigla na lamang akong kinaladkad nito mula sa auction house, hindi pa man din ako nasasalang. Nakahinga man ako ng maluwag dahil doon ngunit ang pagdadalhan naman nito sa akin ngayon ang siyang nagdadala ng takot sakin. Kahit anong palag ko dito ay walang epekto kaya't nagpatianod nalamang ako kung saan man niya ako gustong dalhin. Bahala na mamaya kung paano ako makakatakas sa mga ito.

Binaybay namin ang napakahabang pasilyo na puro pinto at hindi nagtagal ay huminto na rin ito sa tapat ng isa sa mga iyon. Duon na kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Kumatok ito ng tatlong beses at binuksan na ang pinto nang hindi hinihintay ang pagsagot ng nasa loob. Madilim sa loob noon at walang kariringgang ingay sa paligid kaya't aakalaing walang tao. Pero iba ang kutob ko dito at hindi iyon maganda.

Agad na pumasok doon ang kasama ko habang wala pa rin itong patid sa pagkaladkad sa akin. Nang tuluyan na kaming makapasok ay walang pag-aalinlangan ako nitong inihagis sa kung saan kaya't napasadlak ang balakang ko sa kanto ng marahil ay lamesa bago bumagsak sa kahoy na sahig ng kwarto. Hindi ko na nakontrol ang pagkawala ng daing mula sa bibig ko.

"Hayan na ang hinihingi ninyo, kamahalan, nasaan na ang kabayaran?" bungad nang malaking lalaking nagdala sa akin.

Nahigit ko ang hininga ng mapagtantong naibenta na pala ako kaya't kinuha na ako sa auction house bago pa man ako masalang sa bidding. Agad na nanginig ang katawan ko habang tila nag-slow motion ang paglibot ko ng tingin sa madilim na paligid at hinanap kung sino ang nakabili sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang makapag-adjust sa dilim at rumehistro ang mukha ng mga lalaking nakapalibot sa akin. Naroon ang may limang lalaking nakatutok sa akin ang tingin na animo ay isa akong specimen na hinahagod ng mapanuri nilang mga mata. Agad akong napakayungkot sa sahig habang itinatabing ang nanginginig kong mga braso sa aking katawan. Kahit na may damit ako, pakiramdam ko ay para akong walang saplot sa gawi ng tingin ng mga ito.

"Masyado kang atat, Grimmold. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo," singhal ng isang lalaki, hindi kalayuan sa akin.

Ngumisi naman ang kausap saka kunwaring nagbigay galang. "Ipagpaumanhin ninyo, your highness. Ibigay na ninyo ang kabayaran ng makaalis na ako," anito na tila ba nang-uuyam.

Sinuklian din ito ng ngisi ng lalaking nakaupo sa kama na tinawag nitong your highness bago inihagis ng isang lalaki kay Grimmold ang isang maliit na bag na marahil ay naglalaman ng baryang kabayaran sa akin. Lalong nanlaki ang mga mata ko ng akmang aalis na ito kaya't hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na nangunyapit sa malaking hita nito.

"Parang awa mo na, wag mo kong iwan dito," pagmamakaawa ko pa dito habang ang mga luha ko ay wala ng patid sa pag-agos.

"Bitawan mo nga ako!" angil nito. "Hindi nga ako nagkamali ng suri sa iyo. Malaki nga ang kikitain ko sayo," anito na sinundan pa ng malakas na pagtawa. "Bayad ka na, kaya sa kanila ka na." Ipinagpag nito ang hitang kinakapitan ko ngunit naging mahigpit ang kapit ko.

"Huwag mo kong iwan dito, parang awa mo na," humahagulhol ng sabi ko pero tila lalo nito iyong ikinainis kaya't malakas nitong isinipa ang binti na siyang nagpabitaw sa akin. Humagis ako na animo ay isang bola at malakas na tumama sa kung saan. Muli akong napadaing at sa pagkakataong ito ay malakas kaysa kanina. Agad na nanghina ang katawan ko dulot ng sakit kaya't hindi na ako nakahabol pa ng tuluyan na itong umalis at isinara ang pinto.

"Wag ka ng matakot, Miss. Hindi ka naman namin sasaktan," ani ng isang lalaki na sinusubukang lumapit sa akin.

Walang boses ang lumabas sa bibig ko kaya't napailing nalamang ako habang lumalayo dito at nagsusumiksik sa kung saang sulok na maaabot ko. Yakap-yakap ko ang sarili habang naghahanap ng kahit anong maaari kong maipangtanggol sa sarili. Maya-maya pa ay pinalibutan na ako ng apat na lalaking pawang nasa mga mukha ang pagnanasa. Animo'y mga hayop na hayok sa laman na nakakita ng makakain sa unang pagkakataon. Nanginig ang laman ko sa takot at galit.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon