CHAPTER 31

436 14 6
                                    





Anhin ko nalang ay hilahin ang oras para makaalis na ako sa kwartong ito pero parang ayaw pumabor sakin ang pagkakataon. Habang inip na inip kong hinihintay ay tila sinasadya pang bagalan ang takbo. Mabigat ang bawat paghinga ko maging ang mga hakbang na ginagawa ko dahil sa pares ng mga matang kanina ko pa pilit na iniiwasan.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sakin ni Ares kahit hindi ko ito tignan pero wala akong planong salubungin iyon. Masakit ang dibdib ko sa mga nasasaksihan ko ngayon at wala akong planong hingin ang paliwanag nya sa mga nangyayari o kung ano pa man. Siguro ay tama na ang sampal ng katotohanan na nasa harapan ko para tigilan ko na ang pagpapantasya ko.

Isang malakas na siko sa tagiliran ang nagpabalik sakin sa huwisyo. Pinigilan ko naman ang sarili ko na magpakawala ng daing sa halip ay tinitigan ko nalang si Amelia. Ngunit natigilan ako ng tila ba may sinesenyas ang mga mata niya. Nang sundan ko ang mga iyon ay natunton ng tingin ko ang tsarera. Noon ko lang naintindihan ang gustong ipahiwatig nito.

Nagulat man ako sa inasal ni Amelia ay isinantabi ko muna iyon saka mabilis at maingat na dinampot iyon saka lumapit sa lugar na kanina ko po iniiwasang lapitan. Palihim pa akong humugot ng malalim na hininga habang lumalapit sa lamesang kaharap ni Prinsepe Vann at Lady Claudette.

Nang makalapit ay dahan-dahan kong sinalinan ang tasa ng mga ito. Pigil ang hininga ko nang balingan ko ang tasa ni Ares. Pakiramdam ko ay sumisiksik sa buto ko ang titig nito habang nagsasalin ako. Alam kong may nais itong ipahiwatig ngunit hindi ko iyon pinapansin.

Akmang tatayo na ako mula sa nakayukong pagsasalin ng maramdaman ko ang kamay ni Ares sa collar ng damit ko na siyang bigla kong ikinalingon at ikinalaki ng mata. Tila hindi lang naman ako ang nabigla sa ikinilos nito dahil nakarinig ako ng pagsinghap mula sa gawi ng mga kasama ko.

Dahil sa ikinilos ni Ares ay wala akong nagawa kundi ang lingunin siya. Agad kong nakasalubong ang matiim nitong titig. Tila naman may kasamang pagbabanta ang tingin nito na nagsasabing humanda ako mamaya. Wala sa loob na napalunok ako.

"May dumi sa collar mo," anito na hindi pa rin nagbabaling ng tingin.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Ares. Concern ka pa rin sa mga bagay-bagay," mahinhing untag ni Lady Claudette na tila ba biglang nakahinga at sinundan pa ng mahinang tawa.

Muli na naman akong nakaramdam ng sakit ngunit bago ko pa iyon maipakita ay agad na akong nagyuko sa harap ng prinsepe at iniwasang muli ang tingin nito.

"Salamat po, your highness," may diing turan ko bago lumayo dito ng nakayuko pa rin.

Matapos ayusin ang tsaa ay humilera akong muli sa tabi ni Amelia. Hindi ko naman maiwaglit ang sinabing iyon ni Lady Claudette. Marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit nakipaglapit sakin si Ares. Out of concern. Kung sabagay ay nasa panganib nga naman ako noong una kong makilala si Ares. Kaya siguro napalapit nalang din kami sa isa't isa. Ganun lang siguro yun.

Halos pasalamatan ko ang lahat ng santong kilala nang matapos ang pagsisilbi namin sa kwartong iyon. Hindi man natapos ang pagaasikaso namin kay Lady Claudette, ay natapos naman ang mga sandali na kasama namin sa iisang lugar ang prinsepe. Bagay na kahit papaano ay nakagaan sa loob ko.

Naging madali naman ang pagsisilbi namin kay Lady Claudette. Hindi kasi ito maarte at sadyang mabait. Lalo ko tuloy napapag-isip na mas bagay talaga ito kay Ares kumpara sa isang hamak lang na tulad ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka napahimas sa batok ng manakit iyon. Iginalaw-galaw ko pa ang ulo sa pagbabaka sakaling mawala ang sakit. Marahil ay dala na rin siguro ito ng masyadong pag-iisip. Wala kasi akong ginawa kundi ang mag-isip ng mag-isip mula ng malaman ko ang tungkol kay Ares at kay Lady Claudette.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon