CHAPTER 7

425 57 0
                                    




Hindi ako agad nakagalaw sa nangyayari. Nagtatalo din ang isip ko kung itutulak ko ba si Ares o hahayaan nalang. Nagkakagulo ang utak at sistema ko kaya siguro hindi ako makapagdesisyon. Isa pang pumipigil sa akin na itulak siya ay dahil alam ko sa kaibuturan ko na gusto kong matikman ang halik niya lalo na at nakikita kong nakapikit pa siya na parang ninanamnam ang mga labi ko.

Lalong hindi ako nakakilos nang maramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng malambot niyang labi sa labi ko. Marahan lamang iyon na para bang kinakabisado ang bawat sulok ng labi ko. Doon na ako hindi nakapalag at tuluyan ng napapikit. Nagpatianod nalamang ako sa bawat hagod niya na mas nakakapagpawala ng huwisyo ko.

Hindi nga ako nagkamali. Malambot nga ang mga labi niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi panggigilan ang mga iyon. Napakasarap. Nakakabaliw. Nakakawala sa sarili. Bahagya kong kinagat ang ibabang labi niya.

"Ugh.." Sumikdo ang dugo ko sa kasabikan pagkarinig sa malalim na ungol ni Ares. Mas ginanahan tuloy akong tumugon kaya't mas pinagbuti ko pa ang paghalik sa kanya. Parang binubuhay ni Ares ang isang parte ng pagkatao ko. Iyong parteng wild and liberated na hindi ko alam na mayroon pala ako.

Ramdam ko ang init na nabubuhay sa loob ko. Unti-unti iyong kumakalat at dumadaloy patungo sa gitnang bahagi ng katawan ko. Alam kong tutupukin ako ng init na iyon, pero gusto ko. Ito ang unang pagkakataong maramdaman ko ito pero gusto kong malaman. Gusto kong maramdaman. Ngayong nabigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit, hindi na ako magpapalampas pa ng pagkakataon. Gusto kong maranasan lahat ng bagay na hindi ko naranasan noon. Lahat ng bagay na pinalagpas at sinayang ko. This time, I'll make the most out of everything.

Lalo akong nawala sa sarili nang mas palalimin pa nito ang halik na para bang nararamdaman din niya ang init na nararamdaman ko. Pumaikot ang isang braso nya sa bewang ko at mas hinapit ako palapit sa kanya. Wala na yatang makakaraan na hangin sa pagitan namin. Naitapon ko na ang lahat ng inhibisyon nang dalhin ni Ares ang mga braso ko sa balikat niya. Animo masunuring bata naman na pinagsalikop ko ang mga kamay at nangunyapit sa leeg niya. Nawawalan na rin kasi ng lakas ang mga tuhod ko dahil sa mga pinaparamdam niya sa akin.

Inilagay niya ang isang kamay sa may batok ko na parang pinipigilan ako sa paglayo. As if namang lalayo ako gayong nakakaadik ang mga labi niya. Nang kagatin niya ang ibabang labi ko ay napasinghap ako. Nagbukas iyon ng pagkakataon kay Ares para mas galugarin pa ang bibig ko. Naramdaman ko ang dila niyang tila ba nilalandi ang dila ko kaya't sinagot ko naman iyon agad.

"Uhm.." napaungol ako ng magtalik ang mga dila namin.

Tila naman mas ginanahan si Ares nang bumilis ang ritmo niya pagkadinig doon. Tuloy ay hindi na ako halos makasabay sa kanya. Lalo namang nagsiklab ang init sa loob ko ng maramdaman ko ang paggapang ng kamay nya mula sa leeg ko pababa sa tagiliran. Di ko mapigilang mapasinghap nang sumayad ang daliri niya sa gilid ng dibdib ko. Parang may boltahe ng kuryente ang kamay nya na nagiiwan ng marka sa bawat daanan noon kahit na makapal pa ang suot kong dress. Pakiramdam ko ay napakasensitibo ng katawan ko.

Ilang sandali pa naming ninamnam ang halik ng isa't isa bago siya dahan-dahang huminto. Nang magmulat ako ay nasalubong ko ang malamlam niyang mga mata na titig na titig sa akin. Samu't saring emosyon ang nakikita ko doon na tila ba naghahatid ng masarap na kilabot sa akin. Halos hindi naman siya lumayo at pinanatiling maliit lang ang distansya sa pagitan namin.


"A-a-ano," nauutal na sabi ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang ng hindi man lang natinag ang pagtitig niya sa akin. Sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap na parang ayaw na niya akong paalisin. "A-Ares!"

"Hmm?"

Nahigit kong muli ang hininga nang bumaba ang mukha ni Ares sa akin. Hahalikan ba niya ako ulit? Tatanggapin ko pa rin ba? Muli na namang nagkagulo ang utak ko. Sa huli ay napapikit nalang ako habang hinihintay na dumampi muli ang labi niya sa akin. Hinawi pa niya ang buhok ko palikod.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon