"Hoy, Everleigh, hindi ka pa ba uuwi?" Bungad ni Maritony sa akin. Dala na nito ang bag at mukhang balak ng umuwi. Nalingunan ko naman sina Austin at Cleo malapit sa elevator na parehong nakatingin sa direksyon ko at kinakawayan ako na tila ba inaaya na rin umuwi.
Kaming apat nalang ang naiwan sa opisina kasama si boss para mag-overtime base na rin sa utos ng huli. Nang tingnan ko ang relos ko ay pasado alas dies na pala, isang lingap pa sa pintuan ni boss na mukhang wala pang balak umuwi bago ibinaling kay Maritony ang tingin.
"Mukhang mauuna na kayo. Parang wala pang balak umuwi ni boss, ee," sagot ko dito na siya namang ikinasimangot nito.
"Hihintayin ka nalang namin."
Agad naman akong umiling. "Huwag na. Mauna na kayo. Kaya ko na 'to," nakangiti pang tanggi ko.
Matagal ko na ring kaibigan itong si Maritony. Magmula ng magtrabaho ako dito ay siya ang kauna-unahang naging kasangga ko sa opisina. At sa loob ng limang taon kong pagtatrabaho dito ay hindi pa rin siya pumapalya sa pag-aalala sa akin lalo na ng kuhanin akong sekretarya ng department head namin. Bali-balita kasi ay kursunada daw ako nito kaya ako ang pinili nang magresign ang dati nitong sekretarya.
Bumuntong-hininga muna ito at lumingon sa pinto ng kwarto ng boss namin bago ako balingan ng tingin. Nasa mga mata niya ang pag-aalala pero wala rin itong nagawa. "Sige. Mag-iingat ka, ha. Tumawag ka kaagad sa guard pag may nangyaring di maganda. Ibibilin kita," matigas na utos nito. Napatango nalamang ako upang mapanatag siya. Saglit pa akong tinitigan nito na tila ba nagdadalawang isip bago nagdesisyong maglakad patungo sa dalawang naghihintay. Bumakas din ang pag-aalala sa mukha ng mga ito ng lingunin ako kaya kumaway nalamang ako sa mga ito na parang sinasabing ayos lang ako. Kahit ang totoo ay hindi.
Hindi ko naman masisisi si Maritony kung nag-aalala siya sa akin. Alam kasi sa buong opisina kung gaano kamanyak ang boss namin kahit na may asawa na ito. Ilang beses na ring sumugod dito ang asawa nya dahil sa balitang may kinakalantaray itong ka-opisina pero hindi naman ito napapatunayan ng asawa. Hindi ko na rin tuloy maiwasang hindi kabahan. Kinukutuban din ako ng hindi maganda sa nangyayari.
Hindi iilang beses na nagtangka si Mr. Caliante na hipuan ako pero sa awa ng Diyos ay nagagawa ko naman iyong iwasan at pagkuway gumagawa ako ng distansya sa pagitan namin. Ngunit sa kabila noon ay hindi pa rin ito tumitigil. Minsan tuloy ay gusto ko na ding magresign pero sa tuwing naiisip ko iyon ay sumasagi rin sa isip ko ang pamilya ko sa probinsya.
Kung bakit kasi napapag-interesan ako ng matanda na iyun. Hindi naman malaki ang dibdib at pwet ko, at maging sa hubog ay kaayusan lamang. Hindi rin naman ako nagdadamit ng bastusin para makaakit ng mga manyakis na mata. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang napapagpantasyahan ng mga iyon.
Nasa malalim akong isipin ng tumunog ang intercom sa harapan ko. Agad ko naman iyong sinagot.
"Yes, sir?" Nag-aalangang bungad ko. Ano kaya ang kailangan nito?
"Dionne, I need you here," utos ng nasa kabilang linya. Agad na kumabog ang dibdib ko pero pinilit kong kalmahin ang loob ko. Kailangan kong maging kalmado dahil hindi ako makakapag-isip ng maayos kung kinakabahan ako.
Tumayo na ako at sinigurong nakasarado lahat ng butones ng damit ko. Ibinaba ko pa ang skirt ko para umabot iyon sa tuhod bago kumatok sa pinto nito.
"Come in."
Humugot pa ako ng malalim na hininga bago pihitin ang seradura at buksan ng tuluyan ang pinto. Naabutan ko itong nakaupo sa sofa habang nasa harap ang ilang folder. Ang mga mata nito ay nakatutok sa akin na tila inaasahan talaga ako nitong papasok. Hindi naglipat ang sandali nang bulgar nitong hagurin ako ng tingin na para bang hinuhubaran na ako nito. Agad na kumulo ang dugo ko sa hayagang pambabastos nito ngunit pinigilan ko ang sarili ko at mas pinapormal ang mukha.

BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasyTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...