"Good morning," nakangiting bungad ni Marquis Tristan nang madatnan ko siya sa sala. Agad din siyang tumayo pagkakita sa akin.
Pinababa ako ni Helina bago siya umalis para asikasuhin ang Marquis dahil nagmamadali itong umalis sa hindi ko malamang dahilan. Ang sabi pa niya kagabi ay sabay kaming pupunta sa tindahan tapos ngayon ay iiwan niya ako. Nagsimula na rin kasi akong tumulong sa kainan. Napilit ko si sir Ronald, ang papa ni Helina, na payagan akong magtinda kahit pansamantala lang hanggat hindi pa ako nakakahanap ng mapagtatrabahuhan.
Anim na araw na mula nang magpunta kami sa secret garden ni Ares. Anim na araw na ding hindi nagpapakita si Ares. At anim na araw na rin ang sunod-sunod na pagbisita ni Marquis Tristan.
Noong una ay naiilang pa ako kay Marquis Tristan dahil isa siyang Marquis. Kumbaga sa ranking kasi nang mga aristocrat, sa pagkakaalam ko, ay hindi nawawala sa pangatlo o pangalawa sa mataas na katayuan ang isang Marquis. Pero nang minsang makasama ko siya ay doon ko lang nalaman na mabait naman pala siya. May finesse nga lang ang mga kilos, dala na rin siguro ng katayuan nya sa buhay.
Mula noong nadatnan ko siya sa bahay nang makauwi kami ni Ares ay nagsimula na rin ang pagbisita niya. Naroong sumama siya sa kainan nila Helina, samahan ako sa kung saan-saan kapag nauutusan o di kaya naman ay sunduin ako at ihatid sa kainan. Bagay na binigyang malisya naman ni Helina para tuksuhin ako dito.
"Good morning, My Lord," nakangiting balik ko dito saka bahagyang nag-curtsy. Natutunan ko ang bating iyon nang pagalitan ako ni Helina dahil sa kawalang galang ko daw sa isang noble man. Hindi ko naman talaga alam kung paano gumalang dahil wala namang ganoon sa nakaraang buhay ko.
"Tayo na?" Anito pagkahagod sa akin ng tingin. Napansin niya siguro na nakabihis na ako. Tumango nalang ako. Umakto naman siyang mauna na ako kaya't sinunod ko naman siya.
Men in this era were such gentlemen. Hindi tulad doon sa dati kong mundo na mga walang galang ang mga lalaki. Madalang ang mga may respeto. Iyon nga lang, sa mundong ito ay limitado ang kakayahan. May mga restrictions lalo na kung status ang pinaguusapan.
Iyon ang isa sa mga bagay na ikinakatuwa ko kay Marquis Tristan. Hindi siya tumitingin sa estado ng mga nakakasalamuha niya. Package na kung tutuusin. Mula sa gwapong mukha, magandang pangangatawan, mayaman, at higit sa lahat, mabait. Balita ko pa nga kay Helina ay marami ang nagkakagulong kababaihan dito.
Magkaibigan ang ama ni Marquis Tristan at sir Ronald at dati na daw bumibisita ang mga ito sa kanila. Dumalaw lang daw ito noong gabing abutan ko ito para magdala ng imbitasyon para sa gaganaping selebrasyon para sa bagay na hindi ko matandaang sinabi ni Helina. At sa tagal daw na bumibisita ito ay ngayon lang daw ito nadalas ng bisita. Naghihinala na tuloy si Helina dito na baka daw may gusto ito sakin. Agad ko naman iyong ikinaila.
Hindi naman sa manhid ako, pansin ko din iyon sa gawi ng mga tingin at kilos ng Marquis. Pero sa tuwing naiisip ko iyon ay naaalala ko si Ares. Lalo na ang mga halik na pinagsaluhan namin.
Gusto kong isiping may nararamdaman din sa akin si Ares pero kapag naiisip ko iyon ay kung bakit bigla nalang siyang nawawala o di kaya ay ilang araw na hindi magpapakita. Pakiramdam ko tuloy ay parang nasa roller coaster ang damdamin ko. Ipapafall niya ako sa kanya tapos bigla siyang mawawala at pagkalipas ng ilang araw ay magpapakita na naman siya. Hindi ko naman maiwasang mamiss siya. Ano kayang meron sa lalaking iyon? Masyadong misteryoso. Bagay na tila lalong nagpapalakas ng charisma nito na syang humihila palapit sa mga kuryosong tao katulad ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo."
Agad akong napalingon sa tabi ko pagkarinig noon at nahiya. May sinasabi ba siya na hindi ko narinig?
![](https://img.wattpad.com/cover/298570306-288-k401531.jpg)
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasiTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...