CHAPTER 27

248 10 0
                                    








Dagli akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig at doon ay natagpuan ko ang nag-iisang lalaki na may kakayahang iparamdam sakin ang saya at sakit. Nakatayo ito sa tabi ng pinto ng beranda habang matamang nakatitig sakin. Tila naman nakalimutan ko na ang huminga ng matuon sa mga mata nito ang tingin ko.



Bago pa kung ano ang pumasok sa isip ko ay kagad ko ng hinamig ang sarili ko at tinatagan ang loob ko. Niloko ako ng lalaking ito, hindi dapat ako magpakita ng kahit anong emosyon. Masakit pa rin sa dibdib at ayoko ng madagdagan pa.



"Anong ginagawa mo dito?" Hinaluan ko pa ng talim ang tinig ko at mas pinatapang ang anyo. "Umalis ka na. Ayaw kitang makita, kamahalan," dagdag ko pa na sinadyang diinan ang huling salita.



Hindi naman ito natinag at sa halip ay humakbang ito palapit sakin. May bahid ng galit sa mga mata nito ngunit hindi nagpatinag ang galit na nararamdaman ko. Hindi porket siya ang prinsepe ay hindi ko na pwedeng tapatan ang galit nito.


"Why?" Anas nito at humakbang muli.

Awtomatiko naman akong napaatras. Ayokong mapalapit sa kanya. Sa totoo lang ay natatakot ako. Baka oras na makalapit sya sakin ay makalimutan kong may kasalanan siya sakin at mas mangibabaw ang parteng pilit kong ibinabaon sa kasuluk-sulukan ng damdamin ko. Ang parteng nasasabik at nangungulila sa kanya.


Pagak akong natawa sa sagot nito. Tinatanong ba nya ako kung bakit?

"Bakit? Hah! Bakit ka nagsinungaling sakin?" Anggil ko dito. Nagtatagis naman ang kalooban ko at pilit na pinapalis ang pag-iinit ng mga mata ko. "Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Dahil ba hindi ako mapagkakatiwalaan? Ah, alam ko na. Siguro dahil mahirap lang ako. Wala kasi akong estado kaya okay lang kahit hindi ko na malaman yung totoo. Isang hamak na kung sino lang naman ako na kahit kailan hindi makakapantay sayo!" Hindi ko na napigilan pang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kasabay ng pagpatak ng mga butil sa mata ko na mabilis kong pinahid.



"No, that is not true, Dionne. You know that," anito saka lumapit muli. Agad naman akong lumayo dito.



"Yun na nga, eh! Hindi ko na alam kung ano yung totoo. Ni pangalan mo nga hindi ko malaman kung Ares nga ba talaga," asik ko dito. Kasabay noon ay ang pagpatak ng mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak noon nang mabanggit ang pangalan nya. "Ibinigay ko lahat. Minahal kita ng buo. Naniwala ako sayo. Ang katumbas pala non, kasinungalingan. Produkto lang pala ng imahinasyon si Ares dahil ang totoo, kahit kailan ay hindi mangyayari yun."



"No, Dionne, please! Hindi ko ginusto na magsinungaling sayo. Natakot lang ako-"


"Natakot ka?" Putol ko sa sasabihin nya. "Natakot ka na ipagkalat ko sa buong Asteria na- na-" hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko. Nanlabo lalo ang paningin ko dahil hilam na ito ng luha. Ano nga ba ang idudugtong ko doon? Ni hindi ko nga alam kung mag-ano kami. Kung anong meron samin. Sa kabila ng walang patid na pagbaha ng luha ko ay marahas kong pinahid iyon. "Na may nangyayari sa pagitan ko at ng pinakamamahal nilang prinsepe? Ng isang hamak na tulad ko ang papatulan ng his highness? Hah! Natatakot ka na mabahiran ka ng dumi? Iyon ba ang ikinatatakot mo?"




Kapag naaalala ko ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ay parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko noon. Pero kahit na ganoon ay nahahati pa rin sa dalawa ang isip ko, sa kung dapat ko nga ba iyong pagsisihan o hindi. Aminin ko man o hindi ay may maliit pa rin na parte sa loob ko na walang pinagsisisihan sa nangyari. Iyong parte na masaya dahil naranasan kong magmahal ng sobra na tipong kayang ibigay ang lahat.



"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon