CHAPTER 18

285 24 0
                                    




Halos mabingi ako sa lakas ng kalabog ng dibdib ko dahil sa takot hindi para sakin kundi para kay Ares. Alam kong ako ang kailangan ng mga bandidong ito at nakakasiguro akong hindi sila magdadalawang isip na patayin si Ares. Kailangan kong makaisip ng paraan para mailayo si Ares dito. Alam ko rin naman na hindi ito ang tipo na umuurong sa laban dahil sa porma palang nito ngayon ay mukhang nakahanda na siya sa kahit anong pwedeng mangyari.



Pero hindi ko hahayaang makanti ng mga bandidong ito si Ares. Kung ako ang kailangan, mas mainam pa na sumama nalang siguro ako bago pa may maganap na labanan.


"Sumama ka na samin, Dionne. Kung ayaw mong masaktan ang kasama mo," sigaw noong isang may pulang bandana sa ulo.


"That will never happen," angil ni Ares dito. "Dadaan muna kayo sakin bago nyo sya makuha."


Bago pa man ako makapag-isip ng solusyon ay kumilos na ang mga bandidong iyon at sinugod kami. Hindi na rin ako nakapagsalita sa bilis ng mga pangyayari. Maagap na dinampot ni Ares ang hindi ko na naisuot na gown at mabilis ang kilos na isinalubong iyon sa espadang hawak ng isang bandido. Ipinulupot nito iyon doon saka pinilipit ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang espadang hawak. Isang malakas na tadyak naman ang ginawa ni Ares sa lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nagpagulong-gulong.


Mabilis na dinampot ni Ares ang espada saka parang swordsman na nakipag-espadahan sa mga bandido doon. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan si Ares na nakikipaglaban. Para itong bihasa sa larangang iyon dahil sa malinis nitong mga galaw. Apat ang sabay-sabay na sumugod dito ngunit minani lang nito iyon. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ito hangaan. Abala ako sa pagmamasid dito nang may malaking kamay na tumakip sa bibig ko.


"Hmp! Hmp!" Agad akong nagpumiglas dito sa kabila ng mahigpit nitong pagkakahawak. Nagkaroon ako ng pagkakataong maibuka ang bibig kaya't mabilis kong kinagat ng madiin ang kamay nito.


"Argh! P*tang ina!" Daing noong lalaki na agad akong itinulak.

Nangudngod pa ako sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakatulak nito. Nang makita ko ang pagsugod sa akin ng ilan pa ay mabilis akong naghagilap ng maipanglalaban sa mga ito. Nakakita ako ng may kalakihang bato at agad kong dinampot iyon.

"Dionne!" Narinig kong sigaw ni Ares kaya't napalingon ako dito. Akmang pupuntahan ako nito nang makita ko ang iba pang tulisan na sumugod dito.


"Ares, sa likod mo!" Sigaw ko. Agad naman itong tumalima at sinagupa ang mga iyon. Nang balingan ko naman ang mga susugod sakin ay walang pag-aalinlangan ko itong binato ng nadampot kong bato. Mabilis namang nagsi-ilag ang mga ito kaya't maagap kong kinuha ang pagkakataon para makalayo sa mga ito at tumakbo sa mapunong parte. Nagtago ako sa unang malaking puno na nakita ko.



Ramdam ko ang malakas na paglagabog ng dibdib ko at ang malalim kong paghinga. Ganitong-ganito iyong naramdaman ko noon noong tumatakas ako sa kamay ng rapist kong boss. Pamilyar ang takot at kabang nararamdaman ko na para bang nauulit ang nakaraan at unti-unting akong nilalamon nito.



Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Hindi pwede ganito. Kailangan kong makapag-isip ng paraan para matulungan si Ares at makatakas kami dito. Baka kung ano pa ang mangyari dito nang dahil sakin.




Nang napansin kong nasa di kalayuan lang ang kabayong sinakyan namin at tila hindi pa napapansin ng mga bandidong iyon ang kinatatalian nito ay agad akong kumilos para puntahan iyon. Kung magagawa kong mapawalan ang kabayong iyon ay baka sakaling magkaroon kami ng pagkakataon ni Ares na makaalis dito.



"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon