Chapter 26
"Dionne?" Nag-aalangang anas ni Tristan ng hindi ako agad sumagot. Ginagap pa nito ang kamay ko na tila ba naghihintay ito ng sagot.
"A-ah, My Lord-"
"Tristan," putol nito sakin. "Hindi ba't sinabi ko sayo na Tristan nalang?"
Alangan akong ngumiti dito. "T-Tristan, baka nabibigla ka lang?"
Mabilis itong umiling saka tumingin sakin muli ng matiim. "Hinding-hindi ko ipagkakamali ang nararamdaman ko, Dionne. Lalong lalo na sa iyo."
Napalunok ako ng wala sa loob sa tindi ng emosyong nakikita ko sa mga mata nito. Alam ko noong umpisa palang na hindi siya nabibigla dahil halata iyon sa mga mata nya kung gaano siya kasinsero sa mga sinasabi. Sadyang nagbabaka sakali lang talaga ako na ibahin nito ang sinabi dahil wala talaga akong maisip na isagot sa mga oras na ito.
Okupado pa kasi ni Ares ang utak ko kaya't hindi ko malaman kung saan na ilulugar ang kay Tristan. Ayoko namang sumagot ng agad-agad na hindi man lang pinag-iisipan ang sasabihin. Mabait si Tristan at ayokong masaktan sya ng ganun-ganun nalang.
"Sana maintindihan mo, Tristan. Pag-iisipan ko muna ang tungkol dyan. Masyado lang maraming bagay ang gumugulo sa isip ko. Isa pa ay, hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin ng iba? Magkaiba tayo ng estado. Isa kang Marquis, at isa lang akong katulong sa palasyo. Magiging isa lang akong kasiraan sa titulo mo."
"Wala akong pakialam sa mga titulo, Dionne. Ang mahalaga sakin ay ikaw. At ang magiging sagot mo," determinadong turan nito. "Pero kung gusto mo munang pag-isipan ay sige. Gusto ko lang din klaruhin na kahit anong maging sagot mo ay itutuloy ko pa rin ito," dagdag pa nito saka tumayo na. Lumapit pa ito sakin at inabot ang kamay ko para halikan. "Mauuna na ko. Sana ay mapag-isipan mong mabuti ang sinabi ko."
Bago pa ako makasagot ay naglakad na ito paalis. Tanging yabag lang nito at ang pagsarado ng pinto ang syang umalingawngaw sa paligid. Naiwan ako roon na mag-isa at nag-iisip sa kung ano ba ang magandang gawin sa mga nangyayari sa buhay ko. Ni hindi ko nga malaman kung babalik pa ako sa palasyo o hindi na. Kung hindi naman ako babalik ay siguradong sa labas na naman ako magtatrabaho. Baka maging mitsa pa iyon para makita at madakip akong muli ng mga tulisan na iyon.
____
Kanina pa umalis ang Marquis pero naroroon pa rin ako sa silid. Kanina pa rin ako pinagbabalik-balikan ng mga tagasilbi ngunit parati akong tumatanggi. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sala at lumapit sa bintana. Halos maghapon ng makulimlim at tila nagbabadya ng pag-ulan ang langit na animo ay nagrereplika roon ang isip at damdamin ko.
Abala ang isip ko sa paglalakbay at pag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyari sa buhay ko. Parang dati lang ay tahimik ang iyon. Simple lang ang takbo, trabaho-bahay. Routine na nga kung tutuusin. Pero magmula ng makarating ako sa mundong ito, para bang umikot ng 360 degrees ang buhay ko.
Napakaraming bagay na hindi ko inaasahang makakayanan ko palang gawin ang nagawa ko. Kahit na puro gulo ang nangyari ay nakakatuwa pa ring isipin na may magaganda rin namang naidulot ang mga iyon. Nakilala ko si Helina, si Tristan. Gusto ko rin sanang ikatuwa na nakilala ko si Ares, pero sa tuwing naiisip ko siya ay kumikirot ang dibdib ko.
Sa tana ng buhay ko ay ngayon lang ako nagmahal ng ganito, pero bakit ganito kasakit? Sa tuwing maiisip ko iyong mga panahong magkasama kami at kung paano niya ipinakita sakin kung gaano ako kahalaga sa kanya, pakiramdam ko ay lalong dinudurog ang puso ko. Lahat ng iyon ay balat-kayo lang din. Lahat ng mga haplos at halik niya ay pawang mga kasinungalingan lang. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata at bago ko pa man din mapigilan iyon ay tuluyan ng kumawala ang ilang butil ng luha sa mga iyon.
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasyTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...