CHAPTER 6

477 58 0
                                        




Nanlaki ang mga mata ko sa takot. "A-Ares! Hindi ako marunong sumakay sa kabayo!" Sigaw ko dito sa pagpapanic. Kasabay noon ay ang pag-ingit ng kabayo na nakadagdag sa takot ko.

Kanina ng hilahin ako ni Ares at magtatakbo ay dito niya ako dinala sa kwadra na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Kanina pa din ako tanong ng tanong kung saan kami pupunta pero lagi lang niya akong sinasagot ng ngiti kaya't nanawa na din ako. At ngayon nga ay walang sabi-sabi niya akong isinakay sa puting kabayong ipinahiram noong nangangalaga.

Hindi ako agad sinagot ni Ares, sa halip ay mabilis itong sumakay sa tabi ko. Naramdaman ko ang mga braso nitong gumapang paikot sa may tiyan ko saka ako hinapit palapit sa kanya. Nahigit ko ang hininga ko sa parang mga mumunting kuryente sa loob ko dahil sa ginawa niya. Nalanghap ko tuloy ang panlalaki nyang pabango. Kainitan na at nagtatakbo pa kami pero parang hindi man lang pinagpawisan ang isang to. Fresh na fresh pa din. Parang gusto ko tuloy amuyin ang sarili ko dahil baka ako ang amoy pawis na.

"Narito ako, Dionne. Hindi ko hahayaang may mangyari sayo," bulong nito na siyang nagpakalma sa takot ko ngunit mukhang may iba pa na hindi niya nagawang makalma. Lalo pa ngang nagwala iyon sa ginawa niya. Literal na akong nakadikit sa kanya dahil mahigpit ang pagkakahapit nya sakin. Natatakot tuloy akong marinig niya ang kalabog ng dibdib ko.

"Tayo na," saad niya saka pinatakbo ang kabayo na siyang ikinabigla ko.

"Ares!?"

Isang malakas na halakhak naman ang narinig ko dito na tila ba natutuwa pa ito sa naging reaksyon ko. "Wag kang mag-alala, akong bahala."

Hindi naman na ako nakapagsalita. Nabigla lang naman talaga ako. Sa totoo lang ay komportable pa nga ang pwesto ko dahil nakasandal ako sa kanya. Nararamdaman ko tuloy sa likod ko kung gaano katigas ang dibdib nya. Parang gusto ko tuloy kiligin.

Kung sabagay, hindi na masama ang bagong experience na ito lalo pa at kasama ko si Ares. Napakasarap din sa pakiramdam ang sariwang hangin na malamyos na dumadampi sa mukha ko dahil sa may kabilisang pagpapatakbo ni Ares.

Nadaanan naming muli ang mga tindahan at ngayon ay nakikita ko na ang daang palabas ng bayan. Saan kaya balak magpunta nitong si Ares?

Bago pa kami makarating sa bukana ay natanawan ko sina Helina at si Sir Hact. Mukha hinahanap ako ni Helina dahil palingap-lingap ito. Nang matanawan naman kami ay nanlaki ang mga mata nito. Dahil ba sa kasama ko si Ares kaya ganoon nalang ang gulat nya? Dapat yata ay hindi na ako sumama. Magagalit kaya siya sa akin dahil dito?

"Ares, saan-" sigaw ni Helina ngunit hindi na niya naituloy ng sumigaw na agad pabalik si Ares.

"Hihiramin ko muna si Dionne. Ibabalik ko din siya mamaya."

"Huwag kayong magpapagabi," habol ni Helina bago kami makalayo.

Nakita ko pang kumaway siya sa amin bago kami tuluyang makalabas ng kabayanan. Kung pagbabasehan ko ang reaksyon ni Helina, mukha namang wala lang dito na isinama ako ni Ares. Nagkamali yata ako ng hinala. Marahil ay nagulat lang sya dahil sakay kami ng kabayo at paalis na. Hindi kaya si Ares lang ang may gusto kay Helina? Bigla akong nakaramdam ng lungkot at wala sa loob na tiningala si Ares. Diretcho lang ang tingin niya sa daan pero nang mapansin ako nitong nakatingin ay agad itong ngumiti saka dinampian ako ng halik sa noo.

Nakalimutan ko yatang huminga at naalala ko lang nang ibalik na nito muli sa daan ang tingin. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang pisngi ko kaya't mabilis ko ring ibinaling ang tingin sa daan. Bahagya ko pang inilayo ang katawan sa kanya dahil baka maramdaman niya ang pagwawala ng puso ko pero hindi niya ako hinayaang makagawa ng espasyo. Mabilis nya akong hinapit pabalik sa katawan nito at niyakap ng mahigpit.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon