Hindi agad ako nakahuma ng sugurin ako ng yakap ni Marquis Tristan. Pakiramdam ko ay para akong nabato sa kinatatayuan sa ginawa nito. Kailan man ay hindi inasahan ang ganitong kainit na pagsalubong sakin lalo na at nanggaling pa sa Marquis. Ramdam ko mula sa mahigpit niyang yakap ang labis na pag-aalala. Ako naman ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman. Kung matutuwa ba ako o matatakot.
Hindi ko na rin nagawang gantihan ang yakap nito dahil sa pagkabigla. Maging ng balingan ko ang mga tao sa paligid ay ganoon din ang naging reaksyon nila. Nagtataka marahil kung bakit yakap ng isang Marquis ang isang hamak na katulong. Ganoon din ang bumakas na reaksyon sa mukha ng heneral at ni Madam Ruth. Hindi marahil nila inaasahan, lalo na ng huli, na may mga malalaking tao akong kilala na maaaring bumaliktad sa kanya. Kita ko ang pagdaan ng pangamba sa mga mata niya ng magtama ang tingin namin.
"Dionne, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Saan ka ba nanggaling?" Sunod-sunod na tanong ng Marquis habang pinapasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko na tila ba naghahanap ng galos o ano mang bakas ng sugat.
"A-ahh, My Lord, mukhang nagkakamali kayo ng babaeng nilapitan," awat ni Madam Ruth dito. Marahil ay iniisip nya na namalikmata lang sakin ang Marquis. "Hindi po siya si Dionne, My Lord, siya si Everleigh."
Humarap naman dito si Marquis Tristan nang hindi ako binibitawan. "No, I will never be mistaken, she's Dionne. Dionne Everleigh," anito saka ako muling binalingan at niyakap muli. "Akala ko ay hindi na kita makikita."
"Anong kaguluhan ito? Marquis Tristan?"
Ang buong akala ko ay wala na akong mas ikagugulat pa ng makita ko ang Marquis ngunit akala ko lang pala iyon ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon na siyang tanging nagpapakabog ng dibdib ko. Bigla ko tuloy naalala ang huling pagkakataon na nagkasama kami. Umahon ang lungkot at pangungulila na matagal ko ng kinikimkim pagkarinig palang sa boses nito. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagmistulang bula nang hagilapin ng mga mata ko kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Kulang ang salitang nabigla para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Halos magsiyukuan ang lahat makapagbigay-pugay lang dito. Naroon ito at matikas na nakatayo sa tabi ng heneral. Nakasuot ng damit na ni sa hinagap ay hindi ko naisip na may pagkakataon itong makapagsuot noon o di kaya man ay babagay dito. Hindi. Tila ihinulma para lang sa kanya ang eleganteng damit na iyon na napapalamutian pa ng mga diyamante na sa palagay ko ay mga tunay.
Naramdaman kong humiwalay sa pagkakayakap sakin ang Marquis at nagbigay-pugay dito. "Your highness!"
Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin ng diretcho sa asulan nitong mga mata na katulad ko ay direkta rin ang tingin. May nakita pa akong emosyon na kumudlit sa mga iyon pero hindi ito sapat para mapigilan ang pagkalat ng galit sa kalooban ko. Nagtatagis din ang mga bagang nito at madilim ang anyo sa hindi ko malamang dahilan ngunit wala akong pakialam.
Ilang metro lang ang layo sakin, nakatayo ang walang iba kundi ang crown prince ng Asteria. Kaya pala ng isayaw ako nito noon ay kakaiba ang nararamdaman ko. Kaya pala parang napakarami niyang itinatago sakin, mga bagay na hindi nya magawang sabihin, ay dahil pulos kasinungalingan lang pala ang lahat ng meron kami. Isa lang palang balat-kayo ang Ares na nakilala ko. Ang Ares na minahal ko at patuloy kong minamahal sa nakalipas na apat na taon ay isang malaking kalokohan lang pala.
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasíaTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...