CHAPTER 15

338 26 1
                                    







"A-Ah, your highness-"

"Let's dance shall we?" Putol nito sakin saka lumayo ng bahagya.

Nang magsimula itong gumalaw ay noon ko lang naalala na hindi nga pala ako marunong sumayaw. Bigla akong nataranta at nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. Paano ko ba sasabihin sa kamahalan na hindi ako marunong sumayaw? Hindi naman pwedeng hindi ko sabihin dahil siguradong mahahalata niya.



Balak ko na sanang pigilan ito sa paggalaw ng tila nahalata nito ang ikinakatensyon ko. Mas lalo pa ako nitong inilapit sa kanya kaya't ang siste ay parang ito na ang nagkokontrol sa katawan ko para gumalaw.


"No worries, darling. Let me lead you," mahinang anas nito na siyang ikinagulat ko. Masyado bang halata sa mukha ko kaya nya napansin?


Hindi ko mapigilang humanga sa bawat pag-indayog nya sa tugtog. Finesse ang mga galaw at graceful kung sumayaw. Para bang natural na natural dito ang pag-indayog sa ritmo ng malamyos na tugtog ng orchestra na bagay na bagay para sa mga magkakasintahan. Bigla tuloy akong nailang sa naisip.


"Pansin kong malapit kayo ng Marquis," basag nito sa katahimikang namamagitan samin.

"Hindi naman gaano, your highness," sagot ko dito saka bumaling sa ibang direksyon na humantong sa mga bisitang nananatiling nakamasid sa amin. Isang ikot pa at hindi sinasadyang umabot sa pandinig ko ang malakas na usapan ng mga iyon. Mukha rin namang intensyon din nilang iparinig iyon dahil sa lakas ng usapan nila.


"Sino ba yan?" Narinig kong bulong ng isang babae sa katabi nito. Hindi na ako nag-abala pang tignan sila.


"Hindi ko rin alam. Mukhang hindi rin sya galing sa kilalang pamilya."


"Napakagaling naman nya para makuha ang atensyon ng crown prince."

"Hindi lang ng crown prince kundi pati na rin ng Marquis."


"Mukhang wala namang kakaiba sa kanya."



"I said focus on me, darling," matigas na turan nito na siyang nagpasunod sa akin. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. Ayoko mang magpaapekto ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Napansin ko ang pagtatagis bigla ng bagang ng mahal na prinsepe na tila ba nagpipigil sa kung anong hindi ko mawari.


"Sorry, your highness," hinging paumanhin ko dito. "Napapaisip lang po ako kung bakit ako ang napili ninyong isayaw gayong marami dyan ang naghihintay na maisayaw ninyo," dagdag ko pa.


"Don't mind them," anito. Napatingin naman ako dito at nasalubong ko ang mariin nitong tingin. Marahil ay nakarating din sa pandinig nito ang usapang iyon. "Naiinggit lang sila sa'yo."

Natigilan ako sa sinabi nito. Mukhang balewala lang sa kanya iyon pero sakin, hindi. Wala akong balak maging sentro na usapan. "Pasensya na po, pero ayokong mapagpyestahan ng mga tao, your highness," may diin kong anas dito saka unti-unting huminto sa paggalaw.


Tila naman wala itong narinig at mabilis akong inikot at hinapit. Sa tuwing maglalapat ang katawan namin ay hindi ko maiwasang hindi mapasinghap. "Kung ganoon ay ayos lang na maging usap-usapan ka ng dahil sa Marquis pero ayaw mong maging sentro ng kontrobersya ng dahil sa akin, ganoon ba?"


"Hindi sa ganoon, your majesty!"

"Tell me, anong meron sa pagitan ninyo ng Marquis?" Naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa akin habang isinasabay ang katawan ko sa pag-indayog nito sa tugtog.


"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon