CHAPTER 20

247 13 0
                                    







(Warning: Mature content. Read at your own risk.)

Panay ang pumiglas ko habang pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ng amo ng mga tulisan. Bigla na lamang akong nilapitan at kinaladkad nito mula sa auction house, hindi pa man din ako nasasalang. Hindi ako mapalagay sa kakaisip kung saan ako dadalhin nito. Halos maubos ang lakas ko sa panlalaban kaya't sa huli ay  nagpatianod nalamang ako sa kung saan niya ako gustong dalhin. Bahala na mamaya kung paano ako makakatakas sa mga ito.




Bumalik kami sa madilim na pasilyo ay binaybay namin ang kadiliman noon. Habang nagtatagal sa paglalakad ay unti-unti kong naaaninaw ang nilalakaran namin. Sa dulo ng pasilyo ay may hagdanan paakyat. Bago ito lumiko doon ay hinila kong pilit ang braso ko kahit na nasasaktan ako.


"Saan mo ba ko dadalhin?" Angil ko dito habang nakikipaghilahan dito. "Ahh!" Halos mangudngod ako sa baitang ng hagdan ng buong lakas akong hatakin nito. Nag-init ang braso kong hawak nito. Alam kong walang sugat doon ngunit sa higpit ng pagkakahawak nito at ang pagpilipit sa balat ay hindi nakakapagtaka ang hapding nararamdaman ko.



"Masasaktan ka lang kaya't mas mainam kung mananahimik ka. Hindi magugustuhan ng pagdadalhan ko sayo kung makikitaan ka nila ng kung ano mang galos. Baka bawasan pa ang kikitain ko pag nagkataon."



Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi nito ng kaladkarin ako nito paakyat. Hindi ko na halos magawang makatayo ng tuwid habang umaakyat dahil sa tindi ng pagkaladkad nito.




Nang makarating kami sa itaas ay bumungad samin isang pasilyong puro pintuan. Dire-diretcho itong naglakad at hindi nagtagal ay huminto ito sa tapat ng isa sa mga iyon. Duon na kumalabog ng malakas ang dibdib ko sa takot. Kumatok ito ng tatlong beses at binuksan ang pinto nang hindi hinihintay ang pagsagot mula sa loob. Pagbukas ng pinto ay wala akong ibang nakita kundi purong kadiliman. Bagay na bagay sa lugar na iyon. Hindi rin mariringgan ng ingay sa paligid kaya't aakalaing walang tao. 



Agad na pumasok doon ang kasama ko habang wala pa rin itong patid sa pagkaladkad sa akin. Nang tuluyan na kaming makapasok ay walang pag-aalinlangan ako nitong inihagis sa kung saan na animo ay parang isa lang akong gamit na itinapon. Napasadlak ang balakang ko sa kanto ng marahil ay lamesa bago bumagsak sa kahoy na sahig ng kwarto.



"Argh!?" Hindi ko na nakontrol ang pagkawala ng daing mula sa bibig ko at napahawak ako sa nasaktang balakang.




"Hayan na ang hinihingi ninyo, kamahalan, nasaan na ang kabayaran?" bungad ng malaking lalaking may dala sakin.



Nahigit ko ang hininga ng mapagtantong naibenta na pala ako nito kaya't kinuha ako sa auction house bago pa man ako masalang sa bidding. May palagay akong malaki ang halagang nakuha kaysa sa alok ng matanda sa labas kanina para kuhanin agad ako at dalin dito. Agad na nanginig ang katawan ko habang tila nag-slow motion ang paglibot ko ng tingin sa madilim na paligid. Tila ba kusang hinanap ng mga mata ko kung sino ang nakabili sa akin.




Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang makapag-adjust sa dilim at rumehistro ang mukha ng mga lalaking nakapalibot sa akin. Naroon ang may limang lalaking nakatutok sa akin ang tingin na animo ay isa akong specimen na hinahagod ng mapanuri nilang mga mata. Agad akong napakayungkot sa sahig habang itinatabing ang nanginginig kong mga braso sa aking katawan. Kahit na may damit ako, pakiramdam ko ay para akong walang saplot sa gawi ng tingin ng mga ito.




Alam na alam ko ang gawi ng tingin na iyon. Ganoong-ganoon ang tingin sa akin noong matanda sa baba kanina. Maging iyong dating boss ko ay ganun din nong mga panahong pinagbalakan niya ako. Mauulit na naman ba? Mauulit na naman ba ang pangyayaring iyon? Akala ko ba ay isang beses lang nangyayari ang mga bagay-bagay, bakit nauwi na naman ako sa ganitong sitwasyon.



"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon