CHAPTER 30

523 18 5
                                    




"Leigh!"


Halos mabitawan ko ang hawak kong pinggan pagkarinig sa matinis na tili ni Lorina mula sa kung saan. Hindi na ako nag-abala pang lingunin ito, sa halip ay mas inintindi ko ang paghuhugas ng mga plato na pinagkainan ng mga tauhan. Wala na kasi akong ginagawa dahil halos nagawa ko na lahat kahapon kaya mas minabuti ko nalamang na tumulong kay Nay Melinda. Hindi naman niya ako pinigilan kaya't ipinagpatuloy ko nalang.


"Ano ba yun, Lori? May ginawa ka na naman bang kalokohan?" Tanong ni Nay Melinda nang tuluyang makalapit samin si Lorina. Humawak pa ito sa mga braso ko at napayuko habang tila hinahabol pa ang hininga. Nang makalma ito ay saka lang itinungo ang ulo at hinarap kami ng nangingislap ang mga mata.


"Dumating na sila!" Tuwang-tuwa nitong sabi samin. Naguluhan naman ako sa sinabi nito kaya't napatingin ako kay Nay Melinda na tila kaparehas ko lang din na naguguluhan.

"Sino ba yung dumating?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

Ngumisi pa si Lorina bago ako sagutin saka tila nangangarap na tumingala sa kisame. "Si Lady Claudette Bellevue. Iyong anak ni Duke Bellevue na matalik na kaibigan ng hari. Napakaganda nya, Leigh. Para syang manika."

"Akala ko naman kung sino na ang dumating," anas ni Nay Melinda bago bumalik sa pagpupunas ng ilang kagamitan sa kusina.

"Kaya pala abalang-abala ang lahat sa pag-aayos, may darating pala," saad ko pa bago gayahin si Nay Melinda. Agad namang sumagi sa isip ko si Ares.

"Maliit pa si Lady Claudette noong huli ko syang makita. Mabuti at naisipan pa nyang bumisita dito," ani Nay Melinda.

"Madalas po ba sya dito noon?" Kuryosong tanong ni Lorina.

"Oo. Magkaedad kasi sila ni Prince Vann kaya naging magkalaro sila noon," sagot ni Nanay Melinda nang hindi kami binabalingan ng tingin. "Pero noong magdalaga at magbinata ang dalawa ay dumalang na ang pagpunta ni Lady Claudette. Naging madalang na rin ang pagharap sa kanya ng prinsepe dahil sa abala na ito sa pag-aaral at sa iba pang bagay dahil sa pagiging crown prince nya. Kaya't mabuti na naisipan pa nyang bumisita pagkalipas ng ilang taon."


"Ang balita ko po sa labas ay dahil daw po sa pagpaplano ng kasal kaya sya narito."

Kulang nalang ay mabali ang leeg ko sa paglingon kay Lorina pagkarinig sa sinabi nito. "Kanino?"

"Hahaha! Anong kanino, Leigh? E nag-iisa lang naman ang crown prince," ani Lorina na tila tuwang-tuwa pa sa sinabi ko. Akala marahil nito ay wala sa loob ko ang tinatanong ko.

Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko pagkarinig noon. Parang nanlata ang katawan ko. Nanikip ang dibdib ko at tila ba nanghina ang mga tuhod ko kaya't wala sa loob na napakapit ako sa lababo. Hindi ko naman iyon ipinahalata sa mga nandoon.

Oo at naisip ko na na maaaring may ibang nakatadhana kay Ares pero ni sa hinagap ay hindi ko inakalang maaga itong darating. Hindi ko man lang nagawang ihanda ang sarili ko sa pagdating nito.

"Ahh! Kung ganoon ay totoo pala ang nabalita noon na ipinagkasundo na ang prinsepe. Ang buong akala namin ay usap-usapan lang iyon. Kung ganon ay totoo pala."

Hindi ko na nagawang sumabat pa sa usapan nila. Halo-halo na rin kasi ang pumapasok sa isip ko at kumikirot na rin ang dibdib ko. Bakit ko nga ba naisipan na may pag-asa para samin dalawa ni Ares. Prinsepe sya at ako? Isang hamak lang na pobre na pinatuloy sa palasyo dahil wala ng pamilyang mauuwian. Ano nga ba ang sinabi ko kung ikukumpara sa Lady na iyon na anak ng Duke. Ni wala nga ako sa kalingkingan noon.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon