CHAPTER 2

777 68 0
                                    



Salitang mabibigat na pagbayo sa aking dibdib ang siyang tila nagbalik sa akin sa ulirat. Asul na langit at panaka-nakang mga puting ulap ang siyang unang bumungad sa aking paningin nang magawa kong magmulat ng mga mata. Saglit pa akong napatitig doon bago ko maalala ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay. Dagli akong napabangon na siya namang ikinagulat ng kung sinong nasa tabi ko.

Wala sa loob na kinapa-kapa ko pa ang sarili para malaman kung may masakit ba sa akin o di kaya ay kung buo pa ang katawan ko. Ilang sandali ko pang hinintay kung may mararamdaman akong masakit sa akin pero walang kahit isang kirot. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ngunit nasa isip pa rin ang pagtataka sa mga nangyari.

Nang umihip ang hangin ay nagagap ko ang aking mga braso ng gumapang ang nakakakilabot na lamig sa katawan ko. Noon ko lang napansin na basang-basa ako na animo ay tumalon ako sa ilog.

"Ayos ka lang ba?" Narinig kong tanong ng katabi ko na noon ko lang muli napansin. Wala sa loob na nilingon ko ito at saglit na pinakatitigan. Maganda ito ngunit nababahiran ng dungis ang mukha. Nakarehistro din doon ang pagod at pag-aalala habang nakatunghay sa akin. Sinubukan kong kilalanin ito pero walang rumehistro sa isip ko.

Inilingap ko ang tingin sa paligid na lalong nakadagdag sa pagtataka ko. Naroon ako at nakaupo sa gilid ng pampang habang nasa tabi ang isang babaeng nasa mukha ang labis na pagtataka. Sa likod nito ay nakapalibot ang mga lalaking mukhang hindi gagawa ng maganda at matiim na nakatitig sa akin. Nakasuot ng mga damit na katulad ng mga bandido at tulisang napapanood ko lamang sa tv noon. May mga nakasukbit din sa mga baywang ng mga ito na espada. Sa isang tabi naman ay kumpol ng mga kababaihang madudungis ang mga lumang bestidang suot at tila ba mga takot na takot.

Kumilos ang malaking lalaki at naglakad palapit sa amin. Huminto ito sa harap ko saka umuklo. Matapos ay walang pakundangang hinaklit ang baba ko nang may diin saka iniharap sa kanya. Gusto ko sanang dumaing ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Walang nakakatakas sa akin. Isaksak mo yan sa munti mong kokote," anito saka padaskol na binitiwan ang mukha ko. "Itali ang babaeng ito at aalis na tayo," sigaw nito sa grupo. Agad namang kumabog ang dibdib ko nang lumapit ang dalawang lalaki. Ang isa ay may hawak na lubid at may nakapaskil ng ngisi sa labi. Ang iba ay kanya-kanya ng kuha ng kabayong nakatali sa mga puno sa paligid at ang mga kababaihan naman ay kusa ng sumakay sa bagon. Mukhang hindi nga ako nagkamali ng pagkilanlan sa kanila.

"Halika na," bulong ng babaeng kanina ay nasa tabi ko at ngayon ay umaalalay akin para makatayo.

Wala man akong ideya sa kung nasaang lugar ako at kung ano ang nangyayari ay pinanatili kong maging kalmante. Mas mainam na sigurong makiramdam muna ako sa nangyayari bago ako umaksyon.

"Hoy, ikaw, sumakay ka na rin doon," utos ng lalaking lumapit sa amin. "O baka naman gusto mong pati ikaw ay igapos namin?" Dagdag pa nito na may halong pang-uuyam.

"Sige na. Ayos lang ako," sabi ko dito na sinamahan ko pa ng isang tango. Nagpabalik-balik pa sa mga lalaki at sa akin ang tingin niya bago tuluyang bumitaw at sumama sa ibang kababaihan.

Mabilis namang iginapos ng mga lalaki ang kamay at paa ko.

"A-Anong gagawin nyo?" Kinakabahang tanong ko ngunit hindi nila ako pinansin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang nila ang pag-gapos sa akin. Gusto ko sanang pumalag pero hindi ko magawa dahil sa nakaumang nitong mga espada at balisong. Kung pagbabasehan ko ang sinabi ng malaking lalaki kanina, ibig sabihin ay sinubukan ko ng tumakas. At dahil nasa pampang kami at basang-basa ay nakasisiguro akong sinubukan kong tumalon sa ilog para makatakas. Nang lingunin ko ang ilog ay naroon ang isang mahabang tulay na gawa sa kahoy. Marahil ay patawid kami doon ng tumalon ako.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon