CHAPTER 17

383 26 0
                                        

Chapter 17


(Warning: Mature content ahead. Please be advised. Read responsibly.)



Mabilis akong isinandal ni Ares sa malaking puno sa gilid namin nang hindi napuputol ang halik. Animo ay may pagmamadali ang bawat paghagod ng labi nito sa labi ko na halos literal na niyang kainin ito. Ramdam ko ang pag-usbong ng init na binubuhay ni Ares sa kaloob-looban ko.

Sa kabila ng makapal na damit ay tila ba tumatagos ang init na nanggagaling sa katawan at mga kamay ni Ares na para bang sabik na sabik na madama ang kabuuan ko. Hindi ko na tuloy malaman kung galing nga ba iyon sa katawan nya o sadyang ramdam ko din iyon sa katawan ko.

Bawat haplos ng mga kamay niya sa likod ko ay nagdadala ng masarap na kilabot sa mga himaymay ng katawan. Binubuhay lahat ng natutulog na ugat at ginigising ang natutulog kong pagkatao.

"Ares," hindi ko na napigilang mapahalinghing ng sa wakas ay magawa na niyang iwan ang mga labi ko. Nagtungo naman ang mapanukso nitong labi sa leeg ko saka doon itinuloy ang pagpapakasasa sa halik. Ramdam ko ang hindi na pantay na paghinga namin dalawa at ang namumuong init na nakasisiguro akong tutupok sa aming dalawa.

Halos magsipag-tindigan ang balahibo ko sa paraan ng paghalik nito sakin na dahan-dahang dumadausdos pababa sa nakasungaw kong dibdib. Noon ko lang napansin na nagawa na pala nitong luwagan ang pagkakatali ng gown ko at naibaba na ito. Bagay na hindi ko na napansin dahil sa pagkalango sa sensasyong inihahatid niya sakin. Namamangha nalang ako sa bilis ng mga galaw niya.

Hindi naman nagtagal ay kusa ng bumagsak sa damuhan ang gown ko at kasunod noon ay ang tunog ng pagkapunit na siyang ikinagilalas ko. Bahagya pa itong lumayo sakin na para bang pinagmasdan pa nito kung paano iyon bumagsak sa lupa. Wala naman na akong nagawa kundi ang tignan nalang na malaglag ang mga piraso ng damit na bumagsak sa ibabaw ng gown ko. Ang bukod tanging natira nalang sakin ay ang chemise at panloob ko. Siguradong makakarinig na naman ako ng katakot-takot na sermon nito kay Helina.

Nang balingan ko si Ares ay hindi ko makitaan ng pagsisisi ang mga mata nito, sa halip ay pulos paghanga, kasabikan at pagnanasa ang nandoon. Bumabakas iyon sa mga mata niyang kanina lang ay matingkad na asul ang kulay na ngayon ay may kadiliman na. Bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement.


Isang tila natatakam na hagod pa sa kabuuan ko ang ginawa ni Ares bago inilapit muli ang mukha sakin. Animo ay nagpapalitan kami ng hininga sa sobrang lapit nito. Palakas naman ng palakas ang pagwawala ng dibdib ko at hindi na rin normal ang paghinga ko dahil sa nag-uumapaw na antisipasyon.

Nang sunggaban ako ulit ni Ares ay muli na naman akong nawala sa sarili lalo na ng marahang humaplos ang mainit niyang palad sa pagitan ng hita ko. Unti-unti iyong umaakyak patungo sa hugpungan ng aking mga hita na tila ba nang-aakit. Mas lalo namang tumitindi ang init na nararamdaman ko habang unti-unting niya akong inihihiga sa damuhan.


"You smelled so good, tesoro," namamaos na anas ni Ares nang tigilan nito ang mga labi ko at isiksik ang ilong saking leeg na tila ba sinasamyong mainam ang amoy doon.


“Ahh… Ares!” tanging naisagot ko lang dito. Hindi ko na magawang makapag-process ng isasagot dahil sa sidhi ng emosyong gustong kumawala sa loob ko. Para bang may bomba doon na isang haplos nalang nito ay sasabog na. Punong-puno ng antisipasyon dahil sa nagbabadyang mainit na sandali sa amin.


Isang mabilis na haplos pa ang ginawa ni Ares sa kabuuan ko bago nito tuntunin ang natitira kong saplot at walang pag-aalinlangan din iyong punitin. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapang-akit na pasadahan ni Ares ng tingin ang hubad kong katawan sa harap nito. Nag-init ang pisngi ko at akmang tatakpan ang kahubdan ng maagap nitong gagapin ang magkabila kong pulsuhan saka pininid iyon sa aking ulunan gamit ang isang kamay.



"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon