CHAPTER 16

351 23 0
                                    





Naroon ito at nakatayo sa likuran ko. Maayos na nakahawi ang itim na itim na buhok nito palikod at natatabingan ang mukha nito sa maskarang kulay itim din na napapalamutian ng ilang mga beads at glitters. Ngunit sa kabila ng maskara nito ay nangingibabaw pa rin ang asulan nitong mga mata na siyang ipinagpapasalamat ko.



Kalahati ng kaliwang mukha nito ang natatabingan ng maskarang iyon at ang kalahati noon ay nakahantad sa mukha ng madla. Literal na natatabingan ang halos buong mukha nito ngunit hindi noon nagawang matakpan ang lakas ng dating nito sa ganoong ayos. O sadya lang na alam ko lang ang bawat detalye ng mukha niya kaya ko iyon nasasabi.

Nakasuot din siya ng coat na kakulay ng maskara niya na siyang lalong nagpapatikas ng tindig nito. Napapaisip tuloy ako kung nanggaling ba siya sa loob dahil hindi ko siya nakita doon at kung may mga kadalagahang nakakita sa kanya. Hindi ko yata ma-imagine kung may makakakita sa kanya na ganito. Kung ako nga ay hindi ko maiwasang hindi hangaan ang kakisigang taglay nito, paano pa kaya iyong ngayon palang makakakita sa kanya.



Okupado ng malalim na isipin ang utak ko nang maramdaman ko ang maagap na paghablot nito sa kamay ko sabay hila sakin sa likod ng mataas na halaman doon. Hindi na ako naangal pa lalo nang mabilis ako nitong isinandal doon saka sinubasob ng halik. Hindi lang simpleng halik kundi halik na mapaghanap at puno ng pagkasabik. Agad na binuhay noon ang init sa kaibuturan ko.


Kusang pumulupot ang mga braso ko sa batok nito at pinilit makatugon sa agresibong halik nito. Bawat galaw at hagod ng labi ni Ares ay para bang nagmamarka ng teritoryo katulad ng ginawa nya noong may mangyari samin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Ilang sandali pa ang lumipas nang unti-unti itong tumigil ngunit pinanatili nito ang maliit na distansya sa pagitan namin.




“Bakit narito ka sa labas?” panimula nito ng hindi ako kumibo. Nanatili kasi akong nakatingin lang sa mga mata niya. Para kasing napakasarap titigan noon ngayon. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na huwag kang lalabas o magpupunta kung saan-saan lalo na at gabi?"



Bigla kong naisip ang crown prince. Ngayong naririto na si Ares at nasa loob naman ang crown prince, ay saka palang ako nakakasigurong magkaibang tao nga sila. Kung bakit kasi naisip ko na iisa lang sila gayong malaki ang pagkakaiba nila. Sa estado at pag-uugali palang ay malayo na kaya't kung bakit naisipan ko pa ang bagay na iyon.

“Mukhang may iba kang iniisip?” anito saka ako tinitigan muli ng matiim.




Inalis ko muna ang bara ng lalamunan ko bago sumagot dito. “Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit ngayon ka lang nagpakita,” saad ko ng may paninita sa tinig.



“Hindi kasi ako nakaalis agad dahil sa uncle ko. Ngayon lang sya dumating galing sa ibang bansa kaya medyo natagalan,” sagot nito saka ako pinaningkitan. “Ngayon, bakit nandito ka sa labas?”



Naalala ko ang crown prince at ang Marquis. Napalingap akong muli sa party. Hindi na siguro kailangang malaman ni Ares ang nangyari sa loob kanina. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago siya sagutin. “Gusto ko lang sumagap ng sariwang hangin. Paano mo nalamang nandito ako?”


Umakto itong tila nag-iisip saka ako unti-unting hinila patungo sa nagtataasang halaman sa hardin na iyon. Hindi naman na ako tumutol habang hinihintay ang sagot nito.


“Hmm… Helina?” anito habang naglalakad nang nakaharap pa rin sa akin at hindi inaalis ang tingin.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. “Saan ba tayo pupunta?”


Ngumisi ito ng nakakaloko pero hindi na ako sinagot. Sa halip ay tinalikuran pa niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Dinaanan namin ang nagtataasang mga halaman na hindi ko akalaing mayroon sa hardin ng mga Bonnefare. Ngayon ko lang napansin ang mga pasikot-sikot na ginawa namin na para kaming nasa loob ng isang human maze.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon