"Everleigh!" Isang maawtoridad na boses ng babae ang nanggaling mula sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin iyon para malaman kung sino. Marahil ay nakarating na dito ang nangyari kanina. Kasalukuyan akong nagpupunas ng mga naglalakihang muebles sa drawing room ng palasyo.
Mula ng mangyari ang insidenteng iyon apat na taon na ang nakakaraan ay dito na ako nanuluyan sa palasyo bilang katulong. Hindi rin ako nagpakilalang Dionne kundi ginamit ko ang pangalawang pangalan ko sa takot na baka matunton pa ako ng mga bandidong iyon. Maging ang pagpapaalam kila Helina ng personal ay hindi ko na rin nagawa.
Sa halip ay idinaan ko nalamang iyon sa sulat ng hindi inilalagay ang address ng palasyo para hindi na niya ako mapuntahan pa dito. Ang kay Ares naman ay hindi na ako nakarinig ng balita. Kunsabagay ay wala naman akong pakikibalitaan. Naglakip nalang ako ng sulat para dito na ipinadaan ko rin kay Helina. Kahit sobrang miss na miss ko na si Ares ay idinaan ko nalamang sa ganon. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko huwag lang puntahan si Ares sa secret garden. Masakit man na hindi ko na sila pwedeng basta-basta makita ay okay na rin para mailayo sila sa kapahamakang dala ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko hinarap ang may katandaan ng babae na syang tumawag sakin. Nasa edad sisenta na ito ngunit malakas pa daw siya sa kalabaw. Nakakunot ang bahagyang nangungulubot nitong noo at salubong ang manipis na kilay. Diretchong nakatingin sa akin ang mga mata nito sa kabila ng maliit at hugis kalahating-buwan nitong salamin.
Matalas ang tingin nito sakin na animo ay puno ng pagkadisgusto. Hindi naman na ako naninibago na doon dahil mula ng dumating ako dito ay ganoon na ang gawi nito ng pagtingin sa akin na animo ay wala akong magagawang matino. Wala yatang araw na hindi ako nito pinagagalitan kapag nakikita ako. Naiisip ko pa nga minsan na kaya lang ako tinanggap nito ay dahil sa hindi ito makatanggi sa heneral at sa utos ng hari. Hindi lang din naman kasi ako ang nag-iisang kinupkop ng palasyo ng araw na iyon. May dalawampu kaming kababaihan ang naiwan sa palasyo dahil wala ng babalikan. Ang iba namang napag-alamang anak ng mga mayayaman ay nakabalik na rin sa pamilya ng mga ito. At maging si Erina ay kabilang doon.
"Ano po yon, Madam Ruth?" Painosenteng tanong ko sa mayordoma ng palasyo kahit alam ko na kung bakit ako pinuntahan nito.
Kanina lang kasi ay nahuli kong binu-bully ng grupo ni Amelia si Lorina. Di hamak na matagal na sakin ang mga iyon na naninilbihan dito pero hindi ko natiis ang nakikita ko kaya't bago ko pa napigilan ang sarili ko ay namagitan na ako sa mga ito. Masyado kasi nilang kinakayan-kayanan ang nakikita nilang mahihina kaya't pinapahirapan nila.
Kung hindi ko lang sana nakita na pinagtutulong-tulungan nila Amelia ang kawawang babae na sabuyan ng maruming tubig na galing sa pinagbabanlawan nito ng basahan ay hindi sana ako kokomprontahin ng masungit na matanda na ito. Hindi ko naman talaga intensyong patulan sila Amelia, hinablot lang ng isa nitong kasamahan ang buhok ko kaya ako napilitang lumaban.
"Sumunod ka sakin," maawtoridad na utos nito.
Hindi ko naman na kailangan pang magtanong kung bakit dahil siguradong ang tungkol sa nangyari samin nila Amelia ang dahilan noon. Siguradong nagsumbong na ang magaling na mga babaeng iyon dito. Doon naman magagaling ang mga iyon. Ang magpabiktima. Palibhasa ay alam nilang ayaw sakin ng mayordoma kaya't sinasamantala nila iyon.
Kaya nasisiguro ko na bago pa nito malaman ang side ko ay nakapagdesisyon na ito kung sino ang tama para sa kanya. At siguradong sila Amelia iyon. Kahit kailan naman, kapag may nangyayaring ganito ay hindi ito nakikinig sakin. Hindi ito ang unang beses na may nangyaring kaguluhan sa pagitan namin. At hindi rin ito ang unang beses na hindi niya ako pakikinggan.
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasyTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...