Humahangos at halos magkandarapa na ako sa pagtakbo. Malayo-layo na rin ang nararating ko at hirap na rin akong ihakbang ang mga paa ko. Habol-habol ko na ang hininga ko at uhaw na uhaw na rin pero hindi ako pwedeng tumigil. Isa pang nagpapahirap sa akin sa paglalakad ay ang pagkirot ng mga paa ko. Sa sobrang pagkataranta kanina ay huli na ng mapansin kong wala pala kaming suot na tsinelas. Pero binaliwala ko nalamang muna iyon. Saka ko nalang iyon poproblemahin kapag maayos na ang lahat at kapag nakakasiguro na nasa ligtas na lugar na ako.
Sa ngayon ay kailangan kong magmadali. Kanina ng makalayo ako, buong akala ko ay hindi na nila ako masusundan ngunit nang lingunin ko ang pinanggalingan ko ay nakasunod pa pala sa akin ang isa sa mga humabol sa amin ni Aila. Nag-aalala man ako para sa huli ay mas pinursige kong makatakbo ng mabilis upang hindi masayang ang pagsasakripisyo nito.
Tila ako nakahinga ng maluwag nang makatanaw ako ng liwanag na nanggagaling sa bukana ng kagubatan. Marahil ay malapit na ako sa mga bahayan. Sinubukan ko pang bilisan ngunit kusang bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa nauwi iyon sa mabilis na paglalakad. Hindi ko na kaya ang halo-halong pagod, uhaw at kirot sa bawat hakbang na ginagawa ko. Bumibigay na rin ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay babagsak nalamang ako sa lupa ano mang oras.
Lumingon ako sa aking likuran at nakitang nakasunod pa rin ang lalaki na tila ba mas lalong pang binilisan ang paghabol sa akin. May ilang metro rin ang layo nito sa akin pero base sa bagal ko ay hindi malabong maabutan niya ako.
Hindi maaari!
Isang lingon pa at nakita kong ilang dipa nalamang at aabutan na ako nito. Kahit na iika-ika ay pinilit kong bilisan ang pagkilos. Matataas ang mga damo na umaabot hanggang sa baywang ko kaya hindi ko na napansin ang talampas na nasa bukana ng kagubatan.
Sigaw nalamang ang nagawa ko ng dumausdos ako at gumulong pababa. Ramdam ko ang mga maliliit na batong tumatama sa ilang parte ng mukha at katawan ko. Alam kong sandamakmak na sakit ng katawan ang aabutin ko dito pero maging iyon ay binaliwala ko.
Hindi ganoon kataas ang talampas ngunit sapat na iyon para magdulot ng sakit sa aking katawan. Lapat akong bumagsak sa kalsadang nasa paanan noon at sandaling hindi nakakilos sa dami ng nararamdaman kirot. Nang subukan kong tumayo at tingalain ang pinanggalingan ay nanggilalas ako ng makita ang lalaki na pababa na sa talampas. May malademonyong ngisi na tila ba nakakakita na ng tagumpay.
Hindi magkandatuto akong tumayo sa kabila ng nagkikirutang mga sugat na natamo ko.
"Tumigil ka na! Wala ka ng takas sa akin!" Narinig kong sigaw noong lalaking nasa likuran ko.
Hindi pwede. Hindi niya ako pwedeng ibalik doon at gawing bihag ulit.
Nangingilid na ang mga luha ko sa kawalan ng pag-asa nang may matanaw akong maliit bahay at kuwadra sa di kalayuan. Bukas ang mga ilaw doon kaya't nakakasiguro akong may nakatira.
"Tulong!?" Gamit ang lahat ng natitirang enerhiya sa katawan ko ay sumigaw ako ng malakas. Wala na akong pakialam kahit mapaos pa ako ang mahalaga ay may tumulong sa akin. "Parang awa nyo na tulungan nyo ako!?"
Masyadong tahimik ang gabi at tanging boses ko lamang ang umaalingawngaw kaya't dinig na dinig ko ang sarili ko. Bigla ay hindi ko nakontrol ang pagragasa ng luha sa mga mata ko na siyang nakadagdag sa hirap na nadarama ko. Agad akong pinanghinaan at nadapa. Kasabay noon ay ang pagbagsak ng malalaking patak ng tubig mula sa langit.
"P-P-Parang a-awa nyo na," humihikbing turan ko sa papahinang tinig na halos hindi na marinig dahil sa biglang pagbagsak ng malakas na ulan.
Bumalik sa alaala ko noong mamatay ako sa kabilang dimensyon. Animo may vtr na nagplay sa utak ko ng bawat pangyayari ng gabing iyon. Kung paano ako muntik ng magahasa ng sarili kong boss hanggang sa makatakas ako at masagasaan.
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasyTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...